PANUTO A: Basahin ang pangungusap A at B sa bawat bilang. I-klik ang TAMANG pangungusap.
1.
A. Isa lamang ang pangkat ng tao ang makikita sa NCR.
B. Maraming mga pangkat ng tao ang nakatira sa NCR.
2.
A. Pinipili ng maraming tao na tumira sa NCR dahil sa trabaho.
B. Paghahanap lang ng trabaho ang dahilan ng pagtira ng mga tao sa NCR.
3.
A. Maraming unibersidad sa NCR ang maaring pasukan ng mga mag-aaral.
B. Kakaunti lamang ang pumapasok sa mga unibersidad sa NCR.
4.
A. Marami ang nakapag-asawa ng mga taga-probinsya at tumira sa NCR.
B. Lahat ng nakatira sa NCR ay nakapag-asawa ng parehong pangkat etniko na kinabibilangan.
5.
A. Walang kinalaman ang pangkat na kinabibilangan sa pag-unlad ng bansa.
B. Malaki ang epekto ng pagkakaisa ng lahat ng pangkat ng tao para sa pag-unlad ng bansa.
PANUTO B: I-klik ang pangkat ng Pilipino na nagmula sa mga sumusunod na lalawigan.
6. Cagayan
Ivatan
Ibanag
7. Ilocos Norte at Ilocos Sur
Ilokano
Pangasinense
8. Batangas
Waray
Batangueño
9. Iloilo
Bisaya
Ilonggo
10. Lanao del Norte
Davaoeño
Maranao
PANUTO C: I-klik ang TSEK kung ang gawain ay nagpapakita ng paggalang sa ating kapwa tao at EKIS naman kung hindi.
11. Igalang ang bawat isa anuman ang pangkat na kinabibilangan.
12. Pagtawanan ang taong may ibang paraan ng pagbikas ng salita.
13. Pakinggan ang opinyon ng nakararami kung ito ay tama
14. Gamitin ang social media (tulad ng Facebook at Viber) upang magtalo o mag-away ang magkakaibigan.
15. Makipag-usap nang maayos sa kapwa bago mo sila husgahan.