Erstellt von Rose Tabije
vor etwa 4 Jahre
|
||
Frage | Antworten |
3 Salik sa Pag-usbong ng Kamalayang Nasyonalismo (DA - MES - DeEd) | 1. Ang Pagbubukas ng Mga Daungan sa Bansa para sa Pandaigdigang Kalakalan 2. Pag-usbong ng Uring Mestizo 3. Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863 |
Mga Taong Binuksan ang Ilang Daungan sa Pilipinas para sa Kalakalang Pandaigdig | 1835 - 1898 |
Ang Kanal na nabuksan noong Nobyembre 17, 1869 na nag-paikli ng ruta sa pagitan ng Silangan at Kanluran. | SUEZ CANAL |
2 Epekto ng Pagbubukas ng Suez Canal at Mga Daungan sa Bansa para sa Pandaigdigang Kalakalan (Trans/Kom - Id Lib) | 1. Bumilis ang transportasyon at komunikasyon 2. Nakapasok at lumaganap sa Pilipinas ang iba't ibang paniniwala at ideya mula sa Europa, tulad ng Liberalismo o ideyang liberal. |
2 Banyagang Rebolusyong Pumukaw sa Damdamin ng Mga Rebolusyonaryong Pilipino (Pran - Am) | 1. Rebolusyong Pranses (1789 - 1799) (pag-aklas laban sa kanilang hari at reyna) 2. Rebolusyong Amerikano (1775 - 1783) (pag-aklas laban sa mga kolonyalistang Ingles) |
Ang islogan ng mga rebolusyonaryong Prances na naging inspirasyon ng mga Pilipinong rebolusyonaryo. | "Liberte, Egalite, Fraternite" ("KALAYAAN, PAGKAKAPANTAY-PANTAY, PAGKAKAPATIRAN") |
Liberal na Gobernador-Heneral na nanungkulan sa Pilipinas noong Hunyo 23, 1869 (Car Ma Tor) | Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre |
Liberal na Gobernador-Heneral ng Pilipinas na hindi nagtagal ang panunungkulan dahil sa dami ng Espanyol na kanyang nakaaway dahil sa pagiging mabuti niya sa mga Pilipino (Car Ma Tor) | Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre |
3 Uri ng Mga Tao sa Lipunan sa Panahon ng Espanyol (PenIn - PUri - KaMa) | 1. Mga Peninsulares at Insulares 2. Panggitnang-uri (Clase Media) (Mga Ilustrado, Mestisong Espanyol at Intsik) 3. Mga karaniwang mamamayan |
Uri ng Mga Tao sa Lipunan sa Panahon ng Espanyol na binubuo ng iilan pero makapangyarihang Espanyol | MGA PENINSULARES AT INSULARES |
Ang pangkat ng mga tao sa lipunan sa panahon ng Espanyol na nasa pagitan ng mga makapangyarihang Espanyol at mga karaniwang mamamayan | MGA PANGGITNANG-URI |
Mga tao sa lipunan sa panahon ng mga Espanyol na bumubuo sa panggitnang-uri | 1. Mga Pilipinong nasa katungkulan at may-ari ng lupa (PRINCIPALES) 2. Mga mestisong Espanyol (anak ng mga Espanyol at Pilipino) at mga mestisong Intsik (anak ng mga mayayamang Intsik at Pilipino) 3. Mga Ilustrado |
Tawag sa mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya na naninirahan sa Pilipinas | PENINSULARES |
Tawag sa mga Espanyol na ipinanganak dito sa Pilipinas at dito rin naninirahan | INSULARES |
Ang grupong binubuo ng mga anak ng mga mayayaman at mga mangangalakal na Pilipino na nakapag-aral sa Espanya at iba pang bansa sa Europa | ILUSTRADO |
Ang pangkat noong ika-1880 na binuo ng mga ilustrado na nagkaroon ng magandang katayuan sa lipunan at nagsimula ang humiling ng pagbabago (pasimuno ng nasyonalismong Pilipino) | INTELLIGENTSIA |
Mga Kilalang Ilustrado | 1. Jose Rizal 2. Graciano Lopez Jaena 3. Marcelo H. del Pilar 4. Mariano Ponce 5. Antonio Luna 6. Felix Hidalgo 7. At marami pang iba |
Mga tao sa lipunan sa panahon ng Espanyol na binubuo ng nakararami. Mga maituturing na mahihirap at hindi nakapag-aral. | MGA KARANIWANG MAMAMAYAN O MGA "INDIO" |
Ang batas na nagpasimula sa pagkakaroon ng mga Pilipino ng karapatang magkapag-aral sa mga paaralang Espanyol | DEKRETONG EDUKASYON NG 1863 (Education Decree of 1863) |
Mga Pagbabagong Dulot ng Dekretong Edukasyon ng 1863 | 1. Binuksan ang mga paaralang pampubliko para sa lahat na mag-aaral (hiwalay ang panlalaki at pambabae). 2. Nagkaroon ng paaralang normal na nag-aalok ng 3-taong kurso para sa mga kalalakihang gustong maging guro. 3. Nagkaroon ng paaralang bokasyonal |
Eksklusibo o ang mga unibersidad ay para lamang sa mga... | LALAKI |
Eksklusibo o ang mga kolehiyo ay para lang sa mga ... | BABAE |
3 Positibong Epekto ng Edukasyong Ipinakilala ng Mga Espanyol | 1. Binuksan ang isipan ng mga Pilipino sa kahalagahan ng edukasyon sa kaunlaran at tagumpay sa buhay. 2. Binuksan o ginising ang diwang nasyonalismo ng mga Pilipino. 3. Nagsilbing paraan ng pagpapalaganap ng katuruan ng Simbahang Katoliko. |
2 Negatibong Epekto ng Edukasyong Ipinakilala ng Mga Espanyol | 1. Natanim sa isipan ng mga Pilipino na higit na maganda ang kulturang Kanluranin kesa sa sariling kultura. 2. Napilitan silang pag-aralan ang wikang Espanyol at mamuhay na parang mga Espanyol at ikinahiya ang pagka-Pilipino. |
Möchten Sie mit GoConqr kostenlos Ihre eigenen Karteikarten erstellen? Mehr erfahren.