1. Tayo ay kailangang magkaisa.
TAYO
A. Panghalip panao na maramihan
B. Posisyon na patindig
2. Nakatayo siya nang matagal.
Ano ang kahulugan ng salitang TAYO sa nakatayo?
3. Mapula ang labi ni Rica.
LABI
A. bahagi ng bibig
B. bangkay
4. Ang labi ng namatay ay ililibing na.
5. Napakarami ng mga tala sa gabi.
TALA
A. listahan
B. bituin
6. Pag-aralan ang tala sa ortograpiya.
7. Masarap ang inihaw sa baga.
BAGA
A. uling na may apoy pa
B. bahagi ng katawan
8. Ingatan ang iyong baga.
9. Nagluto si nanay ng upo.
UPO
A. uri ng gulay
B. posisyon sa upuan
10. Nakaupo ang mga bata nang maayos.
Ano ang kahulugan ng salitang UPO sa nakaupo?