1. Ano ang pinapaksa ng Ibong Adarna?
A. Pinapaksa nito ang kataksilan ng mga lahing kumakalaban sa mga Kastila
B. Pagtatagumpay ng mga tauhang may pambihirang lakas at kapangyarihan
C. Pinapaksa nito ang pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga maharlikang tao
D. Paggalang sa nakatatanda, pagtulong sa nangangailangan at relihiyong Kristiyanismo
2. Ano ang ginawa ng mga Kastila sa mga akdang pampanitikang naabutan nila sa Pilipinas?
A. pinarusahan ang mga taong nagsusulat nito
B. pinalaganap sa buong kapuluan
C. sinunog nila ang mga ito
D. ginawang kasangkapan upang palaganapin ang Kristiyanismo
3. Anong uri ng tulang romansa ang Ibong Adarna?
A. awit
B. korido
C. romansa
D. allegro
4. Sino ang sinasabing sumulat ng akdang Ibong Adarna?
A. Jose Villa Panganiban
B. Francisco Balagtas
C. Jose Corazon de Jesus
D. Miguel Lopez de Legaspi
5. Ano ang pinagkaiba ng Awit at Korido batay sa anyo?
A. Ang awit ay binubuo ng 12 pantig at ang korido ay 8 pantig
B. Ang awit ay binubuo ng 8 pantig at ang korido ay 12 pantig
C. Ang himig ay mabagal na tinatawag na andante
D. Ang himig ay mabilis na tinatawag na allegro
6. Sino ang nag-ayos ng kabuuang pagkakasulat ng akdang Ibong Adarna?
D. Marcelo P. Garcia
7. Ano ang pinagkaiba ng Awit at Korido batay sa paksa?
A. tungkol sa pananampalataya, alamat, at kababalaghan
B. tungkol sa pagtataglay ng kapangyarihan ng mga tauhan
C. tungkol sa bayaning naninindigan sa kalayaan ng bayan
D. tungkol sa pakikipagsapalaran ng Hari ng Espanya.
8. Ano ang pinagkaiba ng Awit at Korido batay katangian ng tauhan?
A. Ang mga Katoliko at Muslim ay nag-aaway.
B. Ang mga tauhang nagsisipagganap ay mahihirap.
C. Ang mga tauhan ay may taglay na kapangyarihang supernatural.
D. Ang mga tauhan ay kumakanta at itinatanghal sa entablado.
9. Ano ang ibig sabihin ng allegro sa konsepto ng Ibong Adarna?
A. Ito ay isang awit
B. Ito ay may kumpas na 4/4
C. Ang himig ay mabagal
D. Ang himig ay mabilis
10. Bakit walang tiyak na pinagmulan at petsa ang tula ang Ibong Adarna?
A. Ang akda ay maaaring hinango sa kwentong-bayan.
B. Ang akda ay isang halimbawa ng pabula.
C. Nakilala ito noong panahon ng Medieval o Middle Ages.
D. Instrumento ito ng mga Espanyol upang mahimok ang katutubo na yakapin ang Katolisismo.