Creado por Rose Tabije
hace alrededor de 5 años
|
||
Pregunta | Respuesta |
Ang paghahati ng lupain ng bansa sa mas maliit na yunit. | SISTEMANG ENCOMIENDA |
Lupang ipinagkaloob ng hari ng Espanya bilang gantimpala sa matapat na mga mananakop na Espanyol. | ENCOMIENDA |
Tawag sa namumuno sa encomienda. | ENCOMENDERO |
Siya ang binigyang karapatang mangolekta ng buwis at may tungkuling mangalaga sa kapakanan ng kanyang nasasakupan. | ENCOMENDERO |
Taong ipinatupad ang batas hinggil sa paniningil ng buwis sa Pilipinas. | 1571 |
Ang paglikom ng salapi na kakailanganin sa pagpapatakbo ng pamahalaan. | PAGBUBUWIS |
Buwis ng pagkamamamayan. | TRIBUTO |
Buwis na sinisingil na katumbas ng walong (8) reales o piso na maaaring bayaran ng pera o produktong gaya ng ginto, tela, bulak, at bigas. | TRIBUTO |
Buwis na itinaas sa halagang labindalawang (12) reales noong 1851. | TRIBUTO |
Ang ipinalit sa tributo noong 1884. | CEDULA PERSONAL |
Ang Mga Napapailalim sa Cedula Personal | Lahat na may edad labingwalo (18) pataas ay kailangang kumuha at magbayad ng sedula bilang tanda ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino at pagtanggap sa kapangyarihan ng Espanya. |
Ang Mga Ligtas sa Pagbabayad sa Buwis | 1. Mga kasapi ng Principalia, at 2. Mga katutubong naglilingkod sa pamahalaan at Simbahan. |
Ang Resulta ng Paniningil ng Buwis | Maganda ang layunin ng paniningil ng buwis subalit ang nagpahimagsik sa mga ninuno ay ang pang-aabuso ng mga nangongolekta na kadalasan ay sobrang maningil at ang sapilitang pagkumpiska sa kanilang mga produkto. |
Ang Epekto ng Pananakop sa Mga May-ari ng Lupa | Sila'y naging kasama o nangungupahan na lamang sa lupang pagmamay-ari at sinasaka nila. |
Ang May-ari ng Lupa na Kadalasang Espanyol | HACIENDERO |
Ang Pagbabahagi ng Haciendero at Kasama | 1. Ang kontribusyon ng haciendero ay ang kanyang lupa lamang. 2. At ang kasama - ang pagtatanim, kasama na ang mga kagamitan, hayop, at pataba. |
Ang Hatian ng Ani sa Pagitan ng Haciendero at Kasama | PANTAY O 50/50 |
Ang Reaksiyon ng mga Pilipino sa Sistemang Kasama | Tinutulan ito ng maraming Pilipino dahil sa mga abuso at lalong nabaon sila sa pagkakaalipin. |
Tinatawag ding sapilitang paggawa. | POLO Y SERVICIOS |
Ang Mga Napapailalim sa Polo y Servicios | Lahat ng kalalakihang edad 16 hanggang 60 taong gulang na may kakayahang magtrabaho at maglingkod sa mga pagawaan ng pamahalaang Espanyol. |
Tawag sa Mga Naglilingkod sa Polo y Servicios | POLISTA |
Mga Kadalasang Ginagawa ng Mga Polista | 1. Pagtatayo ng mga tulay, 2. Pagtatayo ng mga simbahan, at 3. Paggawa o pagkukumpuni ng barkong galyon. |
Ang Haba ng Polo y Servicios | Ang mga polista ay nagtatrabaho ng apatnapung (40) araw sa pamahalaan pero noong 1884, ibinaba ito sa labinlimang (15) araw na lamang. |
Iba Pang Ipinagawa sa Mga Polista | Ang ibang polista ay isinama sa pakikidigma sa mga Muslim at sa mga ekspedisyon sa ibang lugar. |
Multa na ibinabayad bilang kapalit sa hindi paglilingkod sa polo. | FALLA |
Ang Mga Ligtas sa Polo y Servicios | 1. Mga may katungkulan sa pamahalaan gaya ng gobernadorcillo, cabeza de barangay, at 2. Iba pang miyembro ng principalia. |
Ang Resulta ng Polo y Servicios | Nagdulot ito ng pang-aapi at pang-aabuso kaya hanggang ngayon ay mababa ang tingin ng mga Pilipino sa mga gawaing manwal o blue-collar job. |
Isa sa Mga Pag-aalsa Laban sa Polo | Pag-aalsa ni Sumuroy sa Samar noong 1649 at 1650. |
Sapilitang pagbili ng pamahalaang Espanyol sa mga produkto ng mga magsasaka. | SISTEMANG BANDALA |
Paraan ng Pagsagawa ng Bandala | 1. Bawat lalawigan ay binigyan ng takdang dami ng mga produktong ipagbibili sa pamahalaan. 2. Ang mga produkto ay binibili ng pamahalaan sa murang halaga. |
Ang Resulta ng Bandala | Kadalasan, ang mga produkto ay hindi nababayaran at ang magsasaka ay nakatatanggap na lamang ng mga pangakong kasulatan (Promissory Notes). |
Isang Halimbawa ng Pagtutol ng Mga Pilipino sa Bandala | Nang magkaroon ng 200,000 pesos na utang ang pamahalaang Espanyol sa mga Kapampangan, umalsa sila sa pamamagitan ng hindi pagtatanim ng bigas. |
¿Quieres crear tus propias Fichas gratiscon GoConqr? Más información.