Pregunta | Respuesta |
anakpawis | mahirap; dukha |
bahag ang buntot | takot na takot |
balat-kalabaw | walang hiya |
balat-sibuyas | maramdamin |
basa ang papel | sira ang rekord o pangalan |
basag ang pula | inutil; walang silbi |
basang-sisiw | kawawa; palaboy |
bilugin ang ulo | lokohin; bolahin |
boses ipis | mahina ang boses |
buhatin ang sariling bangko | magyabang |
buhay ang loob | matapang |
bukas ang aklat ng buhay | walang sikreto |
bukas ang palad | matulungin; maawain |
butas ang bulsa | walang pera |
buto't balat | payat na payat |
dinaanan ng bagyo | sira-sira; sobrang gulo |
dinadaan sa bibig | panay salita ngunit kulang sa gawa |
dinoktor | dinaya |
dumanak ng dugo | magkaroon ng patayan |
'di maliparang uwak | malawak |
bulang gugo | galante |
hinihipang pantog | bigla ang pag-unland |
paglulubid ng buhangin | nagsisinungaling |
kabungguang balikat | kaibigan |
guhit ng palad | kapalaran |
hampas-lupa | palaboy; istambay |
hinahabol ng barbero | mahaba ang buhok at dapat nang pagupitan |
hulog ng langit | biyaya; swerte |
ibangon ang puri | ibalik ang magandang reputasyon o dangal |
ipagtirik ng kandila | ipagdasal |
isang kahig, isang tuka | dukha; mahirap |
kaibigang putik | hindi tapat na kaibigan |
kalamayin ang loob | magpakatatag; tanggapin nang maluwag sa dibdib |
kalapating mababa ang lipad | taong may masamang reputasyon |
kalatog-pinggan | taong laging nag-aabang ng handaan upang makikain |
kapit-tuko | hindi mapaghiwalay; mahigpit ang kapit |
kaututang-dila | kapalagayang-loob; laging kausap |
kumukulo ang dugo | galit na galit |
kwentong barbero | tsismis |
ligaw-tingin | torpe; dinadaan lang sa tingin ang panliligaw |
lumitaw ang tunay na kulay | magpakita ng totoong ugali |
magpahigop ng mainit na sabaw | maghanda para sa kasal |
magpatulo ng pawis | magtrabaho |
maikli ang pisi | walang pasensyal; kinakapos ang panggastos |
makati ang dila | madaldal |
malabnaw ang utak | mahina ang ulo; bobo |
mapagtanim | hindi maalis ang galit o inis |
matang-manok | malabo ang paningin |
matigas ang ulo | mahirap pasunurin; sutil |
may gatas pa sa labi | bata pa at walang muwang |
may hangin ang ulo | mayabang; hambog |
may pakpak ang balita | mabilis kumalat ang balita |
mitsa ng buhay | sanhi o dahilan ng pagkamatay |
nagbibilang ng poste | walang trabaho; istambay |
nagdilang-anghel | nagkatotoo ang sinabi |
nagmumurang kamyas | matandang nagpapabata |
nagpanting ang tainga | biglang nagalit |
nagpuputok ang butse | naiinis; naasar |
nagsaulian kandila | binalewala ang pagiging magkumpare o magkumare dahil sa awayan |
nagtataingang-kawali | nagbibingi-bingihan |
ningas-kugon | interesado sa umpisa lang |
pagbuhatan ng kamay | bugbugin; saktan |
panakip-butas | panghalili lamang [substitute, second-choice] |
paniningalang-pugad | panliligaw |
parang aso't pusa | langing nag-aaway |
parang biniyak na bunga | magkamukha |
patay-gutom | dukha; mahirap lang |
sakit ng ulo | suliranin; problema |
sumakabilang-buhay | namatay |
suntok sa buwan | imposibleng mangyari o maganap |
tumayo ang balahibo | natakot; kinilabutan |
umutang ng buhay | pumatay |
utak biya | may kakulangan sa pag-iintindi |
walang preno ang bibig | madaldal |
walang sa kalingkingan | hindi maihahambing o malayo sa pinagkukumparahan |
¿Quieres crear tus propias Fichas gratiscon GoConqr? Más información.