Creado por Jen Vinluan
hace más de 3 años
|
||
Pregunta | Respuesta |
MGA PAALALA SA PAGTATALUMPATI
Image:
Apec (binary/octet-stream)
|
Ilan pang mga dapat isaalang-alang sa pananalumpati |
TUON O POKUS | Magpokus lamang sa paksa ng talumpati. Maging malay kung lumalayo na ang sinasabi o isinusulat sa pangunahing layunin ng talumpati. |
DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON | Upang hindi mabagot ang mga tigapakinig, gumamit ng mga di-berbal na komunikasyon tulad ng kumpas ng kamay, maayos na tindig, malinaw na tinig, tamang lakas at hina ng boses, pagpapanatili ng eye contact. Mahalaga ang mga ito ngunit iwasang sumobra upang hindi maging dahilan ng distraksyon sa tagapakinig. |
PAGGAMIT NG ADLIB | Hindi dapat mapuna ng mga tagapakinig na sinaulo ang talumpati. Nararapat na ito ay natural, malaya at magaan. Maaaring mag-adlib kung may nakalimutang bahagi sa talumpati. |
INTERES NG TAGAPAKINIG | Iugnay ang paksa o nilalaman ng talumpati sa interes ng mga tagapakinig. Gamitin ang kanilang karanasan sa mga halimbawa at konteksto ng talumpati. Ika nga, "dapat na makare-relate" ang nakikinig sa talumpati. |
POSTURA AT TIWALA SA SARILI | Magdamit ng maayos at panatilihin ang tiwala sa sarili. Maniniwala ang taong nakikinig kung naniniwala sa sarili ang nagsasalita. |
Image:
Apec (binary/octet-stream)
|
¿Quieres crear tus propias Fichas gratiscon GoConqr? Más información.