Gr5_AP_Aralin 9: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas (Encomienda, Tributo, at Polo y Servicios)

Description

Araling Panlipunan (Kab. II: Pamunuang Kolonyal ng Espanya (Ika 16 - 17 Siglo)) Flashcards on Gr5_AP_Aralin 9: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas (Encomienda, Tributo, at Polo y Servicios), created by Rose Tabije on 13/11/2019.
Rose Tabije
Flashcards by Rose Tabije, updated more than 1 year ago
Rose Tabije
Created by Rose Tabije about 5 years ago
3555
0

Resource summary

Question Answer
Ang paghahati ng lupain ng bansa sa mas maliit na yunit. SISTEMANG ENCOMIENDA
Lupang ipinagkaloob ng hari ng Espanya bilang gantimpala sa matapat na mga mananakop na Espanyol. ENCOMIENDA
Tawag sa namumuno sa encomienda. ENCOMENDERO
Siya ang binigyang karapatang mangolekta ng buwis at may tungkuling mangalaga sa kapakanan ng kanyang nasasakupan. ENCOMENDERO
Taong ipinatupad ang batas hinggil sa paniningil ng buwis sa Pilipinas. 1571
Ang paglikom ng salapi na kakailanganin sa pagpapatakbo ng pamahalaan. PAGBUBUWIS
Buwis ng pagkamamamayan. TRIBUTO
Buwis na sinisingil na katumbas ng walong (8) reales o piso na maaaring bayaran ng pera o produktong gaya ng ginto, tela, bulak, at bigas. TRIBUTO
Buwis na itinaas sa halagang labindalawang (12) reales noong 1851. TRIBUTO
Ang ipinalit sa tributo noong 1884. CEDULA PERSONAL
Ang Mga Napapailalim sa Cedula Personal Lahat na may edad labingwalo (18) pataas ay kailangang kumuha at magbayad ng sedula bilang tanda ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino at pagtanggap sa kapangyarihan ng Espanya.
Ang Mga Ligtas sa Pagbabayad sa Buwis 1. Mga kasapi ng Principalia, at 2. Mga katutubong naglilingkod sa pamahalaan at Simbahan.
Ang Resulta ng Paniningil ng Buwis Maganda ang layunin ng paniningil ng buwis subalit ang nagpahimagsik sa mga ninuno ay ang pang-aabuso ng mga nangongolekta na kadalasan ay sobrang maningil at ang sapilitang pagkumpiska sa kanilang mga produkto.
Ang Epekto ng Pananakop sa Mga May-ari ng Lupa Sila'y naging kasama o nangungupahan na lamang sa lupang pagmamay-ari at sinasaka nila.
Ang May-ari ng Lupa na Kadalasang Espanyol HACIENDERO
Ang Pagbabahagi ng Haciendero at Kasama 1. Ang kontribusyon ng haciendero ay ang kanyang lupa lamang. 2. At ang kasama - ang pagtatanim, kasama na ang mga kagamitan, hayop, at pataba.
Ang Hatian ng Ani sa Pagitan ng Haciendero at Kasama PANTAY O 50/50
Ang Reaksiyon ng mga Pilipino sa Sistemang Kasama Tinutulan ito ng maraming Pilipino dahil sa mga abuso at lalong nabaon sila sa pagkakaalipin.
Tinatawag ding sapilitang paggawa. POLO Y SERVICIOS
Ang Mga Napapailalim sa Polo y Servicios Lahat ng kalalakihang edad 16 hanggang 60 taong gulang na may kakayahang magtrabaho at maglingkod sa mga pagawaan ng pamahalaang Espanyol.
Tawag sa Mga Naglilingkod sa Polo y Servicios POLISTA
Mga Kadalasang Ginagawa ng Mga Polista 1. Pagtatayo ng mga tulay, 2. Pagtatayo ng mga simbahan, at 3. Paggawa o pagkukumpuni ng barkong galyon.
Ang Haba ng Polo y Servicios Ang mga polista ay nagtatrabaho ng apatnapung (40) araw sa pamahalaan pero noong 1884, ibinaba ito sa labinlimang (15) araw na lamang.
Iba Pang Ipinagawa sa Mga Polista Ang ibang polista ay isinama sa pakikidigma sa mga Muslim at sa mga ekspedisyon sa ibang lugar.
Multa na ibinabayad bilang kapalit sa hindi paglilingkod sa polo. FALLA
Ang Mga Ligtas sa Polo y Servicios 1. Mga may katungkulan sa pamahalaan gaya ng gobernadorcillo, cabeza de barangay, at 2. Iba pang miyembro ng principalia.
Ang Resulta ng Polo y Servicios Nagdulot ito ng pang-aapi at pang-aabuso kaya hanggang ngayon ay mababa ang tingin ng mga Pilipino sa mga gawaing manwal o blue-collar job.
Isa sa Mga Pag-aalsa Laban sa Polo Pag-aalsa ni Sumuroy sa Samar noong 1649 at 1650.
Sapilitang pagbili ng pamahalaang Espanyol sa mga produkto ng mga magsasaka. SISTEMANG BANDALA
Paraan ng Pagsagawa ng Bandala 1. Bawat lalawigan ay binigyan ng takdang dami ng mga produktong ipagbibili sa pamahalaan. 2. Ang mga produkto ay binibili ng pamahalaan sa murang halaga.
Ang Resulta ng Bandala Kadalasan, ang mga produkto ay hindi nababayaran at ang magsasaka ay nakatatanggap na lamang ng mga pangakong kasulatan (Promissory Notes).
Isang Halimbawa ng Pagtutol ng Mga Pilipino sa Bandala Nang magkaroon ng 200,000 pesos na utang ang pamahalaang Espanyol sa mga Kapampangan, umalsa sila sa pamamagitan ng hindi pagtatanim ng bigas.
Show full summary Hide full summary

Similar

Gr5_AP_Aralin 11: Ang Panahanan at Katayuan ng Mga Pilipino sa Lipunan sa Panahon ng Mga Espanyol.
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 8: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas ( Ang Kristiyanismo at Ang Reduccion)
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 10: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Patronato Real
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 14: Patakarang Pangkabuhayan (Ekonomiya) ng mga Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 16: Mga Lokal na Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan
Rose Tabije
Grade 5 music theory - Italian terms
Sarah Hyde
Gr5_Fil_Aralin 4: Ang Problema ni Moymoy Matsing
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 1: Tatay Felix, Huwarang Ama
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Nasayang na Kahilingan
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Ang Magkaibang Buhay ng Magpinsang Daga
Rose Tabije