Gr6_AP_Aralin 2: Pagsibol ng Kamalayang Nasyonalismo

Description

Araling Panlipunan (Kab I: Kinalalagyan ng Pilipinas@Malayang Kaisipan sa Mundo) Flashcards on Gr6_AP_Aralin 2: Pagsibol ng Kamalayang Nasyonalismo, created by Rose Tabije on 17/10/2020.
Rose Tabije
Flashcards by Rose Tabije, updated more than 1 year ago
Rose Tabije
Created by Rose Tabije about 4 years ago
848
0

Resource summary

Question Answer
3 Salik sa Pag-usbong ng Kamalayang Nasyonalismo (DA - MES - DeEd) 1. Ang Pagbubukas ng Mga Daungan sa Bansa para sa Pandaigdigang Kalakalan 2. Pag-usbong ng Uring Mestizo 3. Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863
Mga Taong Binuksan ang Ilang Daungan sa Pilipinas para sa Kalakalang Pandaigdig 1835 - 1898
Ang Kanal na nabuksan noong Nobyembre 17, 1869 na nag-paikli ng ruta sa pagitan ng Silangan at Kanluran. SUEZ CANAL
2 Epekto ng Pagbubukas ng Suez Canal at Mga Daungan sa Bansa para sa Pandaigdigang Kalakalan (Trans/Kom - Id Lib) 1. Bumilis ang transportasyon at komunikasyon 2. Nakapasok at lumaganap sa Pilipinas ang iba't ibang paniniwala at ideya mula sa Europa, tulad ng Liberalismo o ideyang liberal.
2 Banyagang Rebolusyong Pumukaw sa Damdamin ng Mga Rebolusyonaryong Pilipino (Pran - Am) 1. Rebolusyong Pranses (1789 - 1799) (pag-aklas laban sa kanilang hari at reyna) 2. Rebolusyong Amerikano (1775 - 1783) (pag-aklas laban sa mga kolonyalistang Ingles)
Ang islogan ng mga rebolusyonaryong Prances na naging inspirasyon ng mga Pilipinong rebolusyonaryo. "Liberte, Egalite, Fraternite" ("KALAYAAN, PAGKAKAPANTAY-PANTAY, PAGKAKAPATIRAN")
Liberal na Gobernador-Heneral na nanungkulan sa Pilipinas noong Hunyo 23, 1869 (Car Ma Tor) Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre
Liberal na Gobernador-Heneral ng Pilipinas na hindi nagtagal ang panunungkulan dahil sa dami ng Espanyol na kanyang nakaaway dahil sa pagiging mabuti niya sa mga Pilipino (Car Ma Tor) Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre
3 Uri ng Mga Tao sa Lipunan sa Panahon ng Espanyol (PenIn - PUri - KaMa) 1. Mga Peninsulares at Insulares 2. Panggitnang-uri (Clase Media) (Mga Ilustrado, Mestisong Espanyol at Intsik) 3. Mga karaniwang mamamayan
Uri ng Mga Tao sa Lipunan sa Panahon ng Espanyol na binubuo ng iilan pero makapangyarihang Espanyol MGA PENINSULARES AT INSULARES
Ang pangkat ng mga tao sa lipunan sa panahon ng Espanyol na nasa pagitan ng mga makapangyarihang Espanyol at mga karaniwang mamamayan MGA PANGGITNANG-URI
Mga tao sa lipunan sa panahon ng mga Espanyol na bumubuo sa panggitnang-uri 1. Mga Pilipinong nasa katungkulan at may-ari ng lupa (PRINCIPALES) 2. Mga mestisong Espanyol (anak ng mga Espanyol at Pilipino) at mga mestisong Intsik (anak ng mga mayayamang Intsik at Pilipino) 3. Mga Ilustrado
Tawag sa mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya na naninirahan sa Pilipinas PENINSULARES
Tawag sa mga Espanyol na ipinanganak dito sa Pilipinas at dito rin naninirahan INSULARES
Ang grupong binubuo ng mga anak ng mga mayayaman at mga mangangalakal na Pilipino na nakapag-aral sa Espanya at iba pang bansa sa Europa ILUSTRADO
Ang pangkat noong ika-1880 na binuo ng mga ilustrado na nagkaroon ng magandang katayuan sa lipunan at nagsimula ang humiling ng pagbabago (pasimuno ng nasyonalismong Pilipino) INTELLIGENTSIA
Mga Kilalang Ilustrado 1. Jose Rizal 2. Graciano Lopez Jaena 3. Marcelo H. del Pilar 4. Mariano Ponce 5. Antonio Luna 6. Felix Hidalgo 7. At marami pang iba
Mga tao sa lipunan sa panahon ng Espanyol na binubuo ng nakararami. Mga maituturing na mahihirap at hindi nakapag-aral. MGA KARANIWANG MAMAMAYAN O MGA "INDIO"
Ang batas na nagpasimula sa pagkakaroon ng mga Pilipino ng karapatang magkapag-aral sa mga paaralang Espanyol DEKRETONG EDUKASYON NG 1863 (Education Decree of 1863)
Mga Pagbabagong Dulot ng Dekretong Edukasyon ng 1863 1. Binuksan ang mga paaralang pampubliko para sa lahat na mag-aaral (hiwalay ang panlalaki at pambabae). 2. Nagkaroon ng paaralang normal na nag-aalok ng 3-taong kurso para sa mga kalalakihang gustong maging guro. 3. Nagkaroon ng paaralang bokasyonal
Eksklusibo o ang mga unibersidad ay para lamang sa mga... LALAKI
Eksklusibo o ang mga kolehiyo ay para lang sa mga ... BABAE
3 Positibong Epekto ng Edukasyong Ipinakilala ng Mga Espanyol 1. Binuksan ang isipan ng mga Pilipino sa kahalagahan ng edukasyon sa kaunlaran at tagumpay sa buhay. 2. Binuksan o ginising ang diwang nasyonalismo ng mga Pilipino. 3. Nagsilbing paraan ng pagpapalaganap ng katuruan ng Simbahang Katoliko.
2 Negatibong Epekto ng Edukasyong Ipinakilala ng Mga Espanyol 1. Natanim sa isipan ng mga Pilipino na higit na maganda ang kulturang Kanluranin kesa sa sariling kultura. 2. Napilitan silang pag-aralan ang wikang Espanyol at mamuhay na parang mga Espanyol at ikinahiya ang pagka-Pilipino.
Show full summary Hide full summary

Similar

Gr6_AP_Aralin 3: Mga Pangyayari at Kilusang Nagpausbong sa Damdaming Nasyonalismo
Rose Tabije
Gr6_AP_Aralin 4: Ang Himagsikan sa Kolonyalismong Espanyol Hanggang sa Deklarasyon ng Kalayaan
Rose Tabije
Gr6_AP_Aralin 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 11: Ang Panahanan at Katayuan ng Mga Pilipino sa Lipunan sa Panahon ng Mga Espanyol.
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 8: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas ( Ang Kristiyanismo at Ang Reduccion)
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 10: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Patronato Real
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Ang Magkaibang Buhay ng Magpinsang Daga
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Nasayang na Kahilingan
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 14: Patakarang Pangkabuhayan (Ekonomiya) ng mga Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 16: Mga Lokal na Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan
Rose Tabije