Kasing-Kahulugan

Description

Quiz on Kasing-Kahulugan, created by rafaeljayr on 02/10/2014.
rafaeljayr
Quiz by rafaeljayr, updated more than 1 year ago
rafaeljayr
Created by rafaeljayr about 10 years ago
448
0

Resource summary

Question 1

Question
Isang BANTOG na grupo ng mananayaw ang Bayanihan Dancers.
Answer
  • tanyag
  • di-kilala
  • bago
  • batikan

Question 2

Question
NAUULINIGAN ang pag-uusap ng grupo dahil sa lakas ng tinig nila.
Answer
  • nahihimigan
  • napakikinggan
  • nakikita
  • nararamdaman

Question 3

Question
Karapatan ng bawat batang Pilipino ang magkaroon ng pamilyang MAG-AARUGA sa kanya.
Answer
  • mag-aalaga
  • magsasaway
  • gagabay
  • tutulong

Question 4

Question
NAGUGULUMIHAN si Rochelle kung anong kurso ang kanyang kukunin sa kolehiyo.
Answer
  • nagtataka
  • natutuwa
  • nagpapasalamat
  • nalilito

Question 5

Question
TIGIB na ng pasahero ang dyip nang ito ay umalis.
Answer
  • punung-puno
  • kulang-kulang
  • kakaunti
  • marami-rami

Question 6

Question
Hindi na nakapagpigil ang kaawa-awang katulong kaya IBINULALAS ang sama ng loob sa mapag-aping amo.
Answer
  • isinabi
  • inilahad
  • isinigaw
  • ibinulgar

Question 7

Question
IMINUNGKAHI ang pagbabawal magtapon ng basura sa di-wastong lugar.
Answer
  • ipinatupad
  • isiniwalat
  • inilahad
  • kinalat

Question 8

Question
Madalas silang mapaaway dahil sa kanilang KAPALALUAN.
Answer
  • kalabisan
  • kayabangan
  • kagandahan
  • kasinungalingan

Question 9

Question
Pakiramdam niya ay labis-labis ang kanyang suliranin kung kaya siya ay MALIGALIG.
Answer
  • matalino
  • masaya
  • magulo ang isip
  • malinaw ang isip

Question 10

Question
MAALWAN lamang ang nararapat na dalahin ng isang bata.
Answer
  • magaan
  • maganda
  • malaki
  • maliit

Question 11

Question
Sa PALIHAN nagagawa ang mga itak, espada at iba pang yari sa bakal.
Answer
  • palikuran
  • palengke
  • pamilihang-bayan
  • pandayan

Question 12

Question
Hindi mo dapat gawing katuwaan ang PAGKUTYA sa kapwa.
Answer
  • pagsumbong
  • panunukso
  • pagtampo
  • pagkurot

Question 13

Question
Ang pag-eensayo ng banda ay NAKABUBULAHAW.
Answer
  • nakaiinis
  • nakagugulo
  • nakatutuwa
  • nakababahala

Question 14

Question
Dapat kang MAGKAMAL ng salapi sa mabuting paraan lamang.
Answer
  • magmana
  • magnakaw
  • mag-ipon
  • maghanda

Question 15

Question
llan taon ding SINIIL ng mga dayuhan ang mga Pilipino. a
Answer
  • tinago
  • inapi
  • tinimpi
  • pinalaya

Question 16

Question
Ang anumang ALITAN ay di dapat hayaang magtagal.
Answer
  • di-pagkakasunduan
  • proyekto
  • hiniram
  • pagkakaibigan

Question 17

Question
LAGANAP ang krisis kaya tayo ay dapat magtipid.
Answer
  • kalat
  • limitado
  • kapos
  • pantay

Question 18

Question
Madaling NABABALINO sa lihis na gawain ang mga kabataang laki sa lansangan.
Answer
  • natutuwa
  • namamalik-mata
  • nagaganyak
  • nakaiiwas

Question 19

Question
Maraming HIMUTOK ang mga manggagawa lahan sa kanilang kurnpanya gaya ng di pagtaas ng kanilang sahod.
Answer
  • nais
  • kilos
  • balakid
  • reklamo

Question 20

Question
Walang MINIMITHI ang iyong magulang kungdi ang mabigyan ka ng magandang kmabukasan.
Answer
  • dinadalangin
  • ikinatutuwa
  • ninanais
  • tinitiis

Question 21

Question
lwasang SUMUGBA sa alanganin.
Answer
  • lumusong
  • lumayo
  • tumigil
  • lumapit

Question 22

Question
Huwag mong PUKAWIN ang batang nahihimlay.
Answer
  • libangin
  • pigilin
  • palayain
  • gisingin

Question 23

Question
Hindi ka dapat MAGMAKTOL kung ika'y napagsasabihan
Answer
  • umiyak
  • magdabog
  • magtampo
  • lumayas

Question 24

Question
Tuwing Marso, ang puno ng mangga ay NAMUMUTIKTIK sa bunga.
Answer
  • maraming-marami
  • kakaunti
  • bilang na bilang
  • malalaki

Question 25

Question
KUMIPOT ang Maynila sa dami ng taong naninirahan dito.
Answer
  • lumuwag
  • lumaki
  • sumikip
  • lumiit

Question 26

Question
PATANG-PATA siya nang maratmg ang tuktok ng bundok Apo.
Answer
  • pagod na pagod
  • masiglang-masigla
  • masayang-masaya
  • hinayang na hinayang
Show full summary Hide full summary

Similar

Population Vocbulary
ambika.dhir
Newton's Three Laws of Motion
*Anna*
States of Matter
lauren_nutty
Hitlers Germany
gursharonkaur15
Chemistry GCSE
frimpongr
Australia vs UK PE
Cal Jones
Weimar & Nazi Germany?
Maddy Balkham
Biology B1
Kelsey Phillips
C Programming
Miki Rana
Science Flash Cards
Em Roberts
English Language Techniques 2
Adam Arrell