May natanggap na telegrama si Padre Florentino galing sa tenyente ng mga guwardiya sibil. Isinaad sa sulat na sa ikawalo ng gabi ng araw na iyon huhulihin ang "Kastila" na nasa kanyang bahay.
Inakala ni Don Triburcio, ang asawa ni Donya Victorina na tumatago sa bahay ng Padre, na siya ang itinutukoy nilang "Kastila" kaya umalis siya sa bahay upang tumago sa dampa ng isang mangangahoy
Dumating si Simoun na pagod na pagod sa bahay ng padre, at humingi ng matitigilan muna sa ngayon. Tinanggap siya ng padre kahit may mga kasalanan siya sa kanya
Sinasabi ni Padre Florentino na dadakipin si Simoun sa ikawalo ng gabi, isang makahulugang ngiti ay ipinahatid ni Simoun , Nakainom siya ng lason kaya sinabing sapat na oras na iyon para siya'y mamatay,
Sa huling oras ng kanyang buhay, Ipinagtapat ni Simoun ang lahat ng itinatagong lihim, ang pagkatao niya, ang kanyang paghihirap, ang balak niyang gumanti sa mga nangaapi sa kanya. Lahat-lahat sinabi niya kay Padre Florentino, hangat napansin ng Padre na hindi humihinga simoun, inilapit niya ang lampara niya at nalaman niya namatay nga si Simoun
Nalungkot si Padre Florentino sa pagkamatay ng binata, Nanalangin siya para sa kanya , at ipinagmasadan niya ang walang ka malay malay na bangkay, Tinawag niya ang kanyang mga utusan upang alayan siya ng dasal. Habang nagdadasal ang kanyang mga utusan, Kinuha ni Padre Florentino ang baul ni Simoun na punong puno ng mga brilyante at yaman, at itinapon ito sa ilog kung saan laging pumupunta si Isagani