Erstellt von Rose Tabije
vor mehr als 4 Jahre
|
||
Frage | Antworten |
Isa sa Mga Pangunahing Epekto ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas | Ang paglulunsad ng mga reporma o pagbabago sa ekonomiya ng bansa. |
Ang Epekto ng Mga Repormang Pang-ekonomiya sa Pilipinas noong Panahon ng Mga Espanyol | Naging mahirap ang pamumuhay sapagkat lahat ng mga pagbabagong ipinatupad ay pawang para sa kabutihan lamang ng mga mananakop. |
Isa sa Mga Repormang Pang-ekonomiyang Isinagawa ng Mga Espanyol | PAGTATATAG NG MONOPOLYO NG TABAKO |
Mga Detalye Tungkol sa Monopolyo ng Tabako (1 - 3) | 1. Sapilitan ang pagtatanim ng tabako. 2. Tanging tabako lamang ang produktong ipinag-utos na itanim. 3. Tanging sa pamahalaan lamang maaaŕing ibenta ang mga ani sa presyong itinakda nito. |
Mga Detalye Tungkol sa Monopolyo ng Tabako (4 -5) | 4. Ang pamahalaan ang nagtakda ng kaukulang dami at kalidad ng produktong ititinda sa kanila ng mga magsasaka. 5. Labag sa batas ang pag-iimbak ng tabako sa mga kamalig. |
Mga Negatibong Epekto ng Monopolyo ng Tabako (1 - 2) | 1. Dina nabigyang-pansin ang marami sa mga halaman at iba pang pananim. 2. Ang mga Pilipinong nagnanais ng magandang klase ng tabako ay napipilitang bumili sa mga pamilihan ng pamahalaan sa mataas na presyo. |
Mga Negatibong Epekto ng Monopolyo ng Tabako (3 - 4) | 3. Dahil ipinagbawal ang pagtatanim ng mais at palay, marami ang nagutom. 4. Dahil sa mga mapang-aping patakaran, natuto ang mga magsasakang magtanim sa mga maliliit na paso at natutong magpuslit ng mga matataas na kalidad ng tabako. |
Ang Itinagal ng Monopolyo ng Tabako | ISANG DAANG (100) TAON |
Taong Tuluyang Itinigil ang Monopolyo ng Tabako sa Pilipinas | 1881 |
Ang Mga Pag-aalsa sa Loob ng Estadong Kolonyal Bunga ng Mga Reporma | 1. Pag aalsa ni Sumuroy 2. Paghihimagsik ni Dagohoy 3. Rebelyon nina Diego at Gabriela Silang |
Ang anak ng isang babaylan o pinuno ng panrelihiyon ng mga sinaunang Pilipino na nanguna sa isang pag-aalsa. | SUMUROY |
Ang Sanhi ng Pag-aalsa ni Sumuroy | 1. Ninais niyang ibalik ang dating katutubong relihiyon. 2. Laban siya sa sapilitang paggawa at pagpapadala sa kanila sa Cavite. |
Ang Mga Lugar na Pinagmulan ng Pag-aalsa ni Sumuroy | 1. SAMAR (sentro) Mga Nakipag-alsa 2. Sorsogon 3. Masbate 4. Cebu 5. Camiguin |
Ang Itinagal ng Pag-aalsa ni Sumuroy | Nagtagumpay si Sumuroy na magtatag ng isang malayang bayan sa kabundukan sa loob ng ISANG (1) TAON. |
Ang kilala bilang pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas. | PAGHIHIMAGSIK NI DAGOHOY |
Ang namuno sa pinakamatagal na pag-aalsa laban sa mga Espanyol. | FRANCISCO DAGOHOY |
Ang Simula at Pagtatapos ng Paghihimagsik ni Dagohoy | 1744 - 1829 |
Ang Itinagal ng Paghihimagsik ni Dagohoy | 85 TAON |
Ang dating cabeza de barangay na namuno sa isang pag-aalsa. | FRANCISCO DAGOHOY |
Ang Sanhi ng Paghihimagsik ni Dagohoy | Ang pagtutol ng Simbahan na bigyan ng naaayong ritwal at libing ang kapatid ni Dagohoy. |
Ang Gobernador-Heneral na matagumpay na nasupil ang Paghihimagsik ni Dagohoy | GOBERNADOR-HENERAL MARIANO RICAFORT |
Ang mag-asawang namuno sa pag-aalsa sa Lalawigan ng Ilocos. | DIEGO AT GABRIELA SILANG |
Mga Layunin ng Rebelyon nina Diego at Gabriela Silang | 1. Alisin ang Indulto de Comercio 2. Mapatalsik sa pwesto ang mga abusadong opisyal 3. Mapababa ang buwis 4. Palayasin sa lalawigan ang mga Espanyol at mestizo |
Ang Simula ng Rebelyon nina Diego at Gabriela Silang | Nakipagsabwatan si Diego sa mga mananakop na Ingles na nangako sa kanya na magpapadala ng mga armas para sa isasagawang rebelyon. |
Ang pag-aalsang nagsimula sa Silang, Cavite na kumalat sa mga karatig na bayan. | ANG KILUSANG AGRARYO |
Ang pag-aalsang ang Katagalugan ang naging sentro sapagkat dito matatagpuan ang mga hacienda ng mga prayle. | ANG KILUSANG AGRARYO |
Taong nagsimula ang pag-aalsa ng Kilusang Agraryo | Abril 1745 |
Ang Sanhi ng Pag-aalsang Kilusang Agraryo ng 1745 | Hindi makatarungang pangangamkam ng mga prayle o paring misyonero sa lupa ng mga katutubo. |
Mga Pinuno ng Kilusang Agraryo ng 1745 | 1. Jose dela Vega 2. Francisco Santos de Medina 3. Ignacio Marcelo 4. Julio Lopez de Montoya 5. Andres Pulido 6. Francisco Gonzalez |
Ang namuno sa isang pag-aalsa na ipinanganak sa Barrio Pandac, Lucban, Lungsod ng Tayabas (ngayon Quezon). | APOLINARIO DE LA CRUZ |
Ang isa pang tawag kay Apolinario dela Cruz. | HERMANO PULE |
Ang pag-aalsang may kinalaman sa pakikibaka para sa kalayaan sa relihiyon. | PAG-AALSA NG KAPATIRAN NG SAN JOSE |
Kapisanang itinatag ni Hermano Pule | COFRADIA DE SAN JOSE |
Ang Mga Sanhi ng pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose | 1. Ang pagturing sa kapisanan na labag sa batas 2. Ang panggigipit ng pamahalaan sa pinuno nitong si Hermano Pule |
Araw na binitay sa pamamagitan ng firing squad si Hermano Pule. | NOBYEMBRE 4, 1841 |
Ang Okupasyon ng Mga Ingles sa Maynila | 1762 - 1764 |
Ang Sanhi ng Okupasyon ng Mga Ingles sa Maynila | Nadamay ang Espanya sa digmaang "Pitong Taong Digmaan" ng Britanya laban sa Pransiya ng kumampi ito sa Pransya. |
Ang Briton namuno sa paglusob sa Look ng Maynila | SIR WILLIAM DRAPER |
Ang nagpahayag ng pormal na pagsuko ng Espanya sa mga Ingles | ARSOBISPO ROJO |
Petsa ng pagsuko ni Arsobispo Rojo | OKTUBRE 1762 |
Araw na ibinalik ng mga Ingles ang pamamahala sa bansa sa mga Espanyol | PEBRERO 10, 1763 |
Ang Sanhi ng Pagbabalik ng Pamamahala sa Mga Espanyol | Itinakda ng kasunduang pangkapayapaan sa Paris noong Pebrero 10, 1763 ang pagwawakas ng "Pitong Taong Digmaan" at pagbabalik ng mga nasakop ng mga Ingles sa mga dating namamahala. |
Ang Bunga ng Okupasyon ng Mga Ingles sa Maynila | Nakita ng maraming Pilipino ang kahinaan ng mga Espanyol. |
Mga sundalong Indian na nakakasama ng mga mananakop na Ingles na tumiwalag at namalagi sa Cainta, Rizal. | SEPOY |
Möchten Sie mit GoConqr kostenlos Ihre eigenen Karteikarten erstellen? Mehr erfahren.