Erstellt von Rose Tabije
vor etwa 4 Jahre
|
||
Frage | Antworten |
Mga paring kabilang sa alinmang relihiyosong orden gaya ng mga Dominikano, Agustino, Heswita, at iba pa. | PARING REGULAR |
Mga paring pumunta sa Pilipinas upang magpalaganap ng relihiyong Katoliko at kalauna'y namuno sa mga itinatag nilang parokya. | PARING REGULAR |
Mga paring Pilipinong sinanay at pinag-aral pero hindi kabilang sa mga relihiyosong orden. | PARING SEKULAR |
Ang Dahilan ng Pagkakaroon ng Mga Pilipinong Paring Sekular sa Pilipinas | Matinding kakulangan sa mga pari |
Ang Dahilan ng Pag-usbong ng Kilusan para sa Sekularisasyon ng Mga Parokya | Pumalag ang mga paring regular sa pamumuno ng mga Pilipinong paring sekular sa mga parokya kaya't binawi ang mga parokya bagay na hindi nagustuhan ng mga Pilipinong pari. Dito nabuo ang Kilusang Sekularisasyon na pinamunuan ni Padre Pedro Pelaez. |
Isang pag-aalsa noong 1872 na kinasangkutan ng mga sundalo at mga manggagawa sa arsenal ng Cavite. | ANG PAG-AALSA SA CAVITE (The Cavite Mutiny) |
Ang pag-aalsang madaling nasugpo at naging makasaysayan sapagkat ito ang naging batayan upang isakdal at bitayin ang tatlong paring martir na idinawit lamang. | ANG PAG-AALSA SA CAVITE (The Cavite Mutiny) |
Ang tatlong paring masigasig na nakipaglaban para sa layunin ng Kilusang Sekularisasyon at pinagbintangang namuno sa pag-aalsa sa Cavite. (GOM - BUR - ZA) | 1. Padre Mariano GOMez 2. Padre Jose BURgos 3. Padre Jacinto ZAmora |
Ang Nangyari sa Tatlong Paring Pinagbintangang Namuno sa Pag-aalsa | Agad na nilitis at binitay sa pamamagitan ng garrote |
Petsa ng Pagbitay sa Tatlong Pari | PEBRERO 17, 1872 |
Lugar ng Pinagbitayan sa Tatlong Pari | BAGUMBAYAN (Rizal Park) |
Ang Resulta ng Pagbitay sa Tatlong Paring Martir | Ginawa ito ng mga Espanyol para matakot ang mga mag-aalsa pero lalo itong nagpaalab at nagpabuklod sa mga Pilipinong magkaisa laban sa kanila |
Kilusang itinatag o umusbong mula sa Kilusang Sekularisasyon at Pagbitay sa Tatlong Paring Martir | KILUSANG PROPAGANDA |
Taong itinatag ang Kilusang Propaganda | 1882 |
Kilusang naghangad ng pagkakaroon ng reporma o pagbabago sa katayuan ng mga Pilipino sa lipunan | KILUSANG PROPAGANDA |
Ang samahang gumamit ng panulat, papel, at karunungan upang maipaabot ang kanilang karaingan sa mga kinauukulan sa mapayapang paraan upang maiwasan ang pagdanak ng dugo. | KILUSANG PROPAGANDA |
5 Layunin ng Kilusang Propaganda (1 - 3) | 1. Maging pantay ang mga Espanyol at Pilipino sa harap ng batas 2. Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas 3. Magkaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes ng Espanya |
5 Layunin ng Kilusang Propaganda (4 - 5) | 4. Italaga ang mga Pilipinong pari sa mga parokya 5. Magkaroon ng karapatang pantao ang mga Pilipino |
Ang tawag sa mga kasapi ng Kilusang Propaganda | PROPAGANDISTA |
Ang Paglalarawan sa Mga Propagandista | Mga matatapang na sumulat ng mga artikulong naglalaman ng pang-aabuso ng mga Espanyol at ang kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino |
Unang Punong-Patnugot ng La Solidaridad | GRACIANO LOPEZ JAENA |
Mahusay na orador o mananalumpati at manunulat na may akda ng Fray Botod, Esperanza, at La Hija del Fraile na tumutuligsa sa katiwalian ng mga prayle. | GRACIANO LOPEZ JAENA |
Propagandista na gumamit ng pangalang Laong-laan at Dimasalang sa kanyang pagsulat sa kilusan. | JOSE RIZAL |
Siya ang may-akda sa dalawang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na tumuligsa sa katiwalian sa panahon ng mga Espanyol. | JOSE RIZAL |
Ang pinaghandugan ni Jose Rizal sa nobelang El Filibusterismo na lalong nagpagising sa damdaming makabansa ng mga Pilipino. | GOMBURZA |
Tinaguriang pinakadakilang manunulat ng Kilusang Propaganda at isang mahusay na manananggol. | MARCELO H. DEL PILAR |
Bumuo sa "Diariong Tagalog" | MARCELO H. DEL PILAR |
Propagandistang gumamit ng pangalang Plaridel sa kanyang pagsulat | MARCELO H. DEL PILAR |
May akda sa "Dasalan at Tocsohan", "Caiigat Cayo", at "Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas", at iba pa. | MARCELO H. DEL PILAR |
Opisyal na pang-araw-araw na pahayagan ng Kilusang Propaganda na tumutuligsa sa katiwalian ng mga Espanyol | DIARIONG TAGALOG |
Panulat na Pangalan ng Propagandistang si Antonio Luna | TAGA-ILOG |
Panulat na Pangalan ng Propagandistang si Juan Luna | BUAN |
Panulat na Pangalan ng Propagandistang si Jose Ma. Panganiban | JOMAPA |
Panulat na Pangalan ng Propagandistang si Mariano Ponce | TIKBALANG, NANING, at KALIPULAKO |
Samahang itinatag at binubuo ng mga Pilipino at Espanyol na may layuning magkaroon ng pagbabago. | ASOCIACION HISPANO-FILIPINO (Kapisanang Espanyol-Filipino) |
Taong itinatag ang Asociacion Hispano-Filipino | 1889 |
4 Layunin ng Asociacion Hispano-Filipino (WIK/ES - BU/LU - DA/RI - PA/SE, BANG/AG) | 1. Pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng paaralan sa Pilipinas 2. Pag-aalis ng mga buwis sa lupa at simbahan 3. Pagpapagawa ng mga daan at riles 4. Pagtatayo ng paaralang sekundarya sa mga lalawigan at mga bangkong pang-agrikultura at iba pa. |
Dahilan ng Bigong Pag-usad ng Samahang Asociacion Hispano-Filipino | 1. Problemang pampamunuan 2. Kakulangan sa pananalapi |
Samahang itinatag ni Jose Rizal nang siya ay magbalik sa Pilipinas | LA LIGA FILIPINA |
Taong itinatag ang La Liga Filipina | 1892 |
Isang mapayapang samahang nagsasabing ang sinumang Pilipinong nagmamahal sa bansa ay maaaring umanib. | LA LIGA FILIPINA |
Mga Layunin ng La Liga Filipina (1 - 3) | 1. Pag-isahin ang mga Pilipino 2. Tulong-tulong na maipagtanggol ng mga Pilipino ang sarili laban sa mga karahasan at pang-aabuso ng mga Espanyol 3. Mahadlangan ang mga gawaing nakapipinsala at walang katarungan. |
Mga Layunin ng La Liga Filipina (4 - 5) | 4. Mapaunlad ang sistema ng edukasyon, pagsasaka, at pangangalakal sa bansa. 5. Mag-aral at magsagawa ng mga reporma. |
Mga Kilalang Kasapi ng La Liga Filipina | 1. Andres Bonifacio 2. Apolinario Mabini |
Ang Dahilan ng Pagdakip at Pagpapatapon kay Jose Rizal sa Dapitan | Ikinatakot ng pamahalaang Espanyol ang pagdami ng mga kasapi sa La Liga Filipina na itinatag ni Jose Rizal |
Petsa ng pagdakip kay Jose Rizal | Hulyo 1892 |
Ang Dahilan ng Paghina at Tuluyang Pagwawakas ng La Liga Filipina | Ang pagdakip at pagpapatapon kay Jose Rizal |
5 Dahilan ng Pagkabigo ng Kilusang Propaganda | 1. Kawalan ng pagkakaisa ng mga kaanib 2. Kakulangan ng pondo 3. Ang kalagayang pampolitika ng Espanya 4. Personal na problema ng mga repormista tulad ng pagkakasakit at kahirapan 5. Pagkamatay |
Samahang itinatag ni Andres Bonifacio | KATIPUNAN O KKK (KATAAS-TAASAN, KAGALANG-GALANGANG KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN) |
Petsa ng Pagkakatatag ng KKK | HULYO 7, 1892 |
Tawag sa Mga Kasapi ng Katipunan | KATIPUNERO |
Ilan sa Mga Kilalang Katipunero | 1. Deodato Arellano 2. Ladislao Diwa 3. Teodoro Plata 4. Valentin Diaz 5. At iba pa |
Pangunahing Mithiin ng Katipunan (KKK) | Ganap na kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng rebolusyon o paghihimagsik gamit ang mga armas. |
Isa sa Mga Layunin ng Katipunan (KKK) | Pagtuturo at pag-aaral ng kagandahang asal |
Isinilang sa Tondo, Maynila at tinawag na "Ama o Supremo ng Katipunan" | ANDRES BONIFACIO |
Laking mahirap, maagang naulila, mag-isang itinaguyod ang mga nakababatang kapatid. | ANDRES BONIFACIO |
Hindi nakapag-aral ngunit natutong magbasa. Dahil sa nobela ni Rizal at iba pa, nabuksan ang damdaming makabayan. | ANDRES BONIFACIO |
Ang Sinulat ni Andres Bonifacio na Nagsilbing Isa sa Mga Gabay na Aral ng Samahan | DEKALOGO NG KATIPUNAN |
Ang sumulat sa "Kartilya ng Katipunan" na naging isang gabay ng Katipunan na may sagisag na Dimasilaw at Pingkian. | EMILIO JACINTO |
Kilala siya bilang "Utak ng Katipunan" at nagsilbing tagapayo ng samahan. | EMILIO JACINTO |
Ang naging patnugot ng pahayagang "Kalayaan". | EMILIO JACINTO |
Ang opisyal na pahayagan ng Katipunan na inilathala sa una't huling pagkakataon noong Marso 1896. | KALAYAAN |
Ang tawag sa mga pinakamataas na kaanib ng Katipunan. | BAYANI |
Ang hudyat (password) ng mga kinikilalang pinakamataas sa samahan o mga "Bayani". | RIZAL |
Ang hudyat (password) ng mga "Kawal", ang pangalawang pinakamataas sa Katipunan. | GOMBURZA |
Aang hudyat (password) ng mga "Katipon", ang pinakamababang grupo ng Katipunan. | ANAK NG BAYAN |
Ang Pamamaraan ng Pangangalap ng Miyembro ng Katipunan | Ang bawat kasapi ay dapat maghanap ng bagong kasaping hindi bababa sa dalawa. |
Möchten Sie mit GoConqr kostenlos Ihre eigenen Karteikarten erstellen? Mehr erfahren.