Gr6_AP_Aralin 3: Mga Pangyayari at Kilusang Nagpausbong sa Damdaming Nasyonalismo

Description

Araling Panlipunan (Kab I: Kinalalagyan ng Pilipinas@Malayang Kaisipan sa Mundo) Flashcards on Gr6_AP_Aralin 3: Mga Pangyayari at Kilusang Nagpausbong sa Damdaming Nasyonalismo, created by Rose Tabije on 17/10/2020.
Rose Tabije
Flashcards by Rose Tabije, updated more than 1 year ago
Rose Tabije
Created by Rose Tabije about 4 years ago
841
0

Resource summary

Question Answer
Mga paring kabilang sa alinmang relihiyosong orden gaya ng mga Dominikano, Agustino, Heswita, at iba pa. PARING REGULAR
Mga paring pumunta sa Pilipinas upang magpalaganap ng relihiyong Katoliko at kalauna'y namuno sa mga itinatag nilang parokya. PARING REGULAR
Mga paring Pilipinong sinanay at pinag-aral pero hindi kabilang sa mga relihiyosong orden. PARING SEKULAR
Ang Dahilan ng Pagkakaroon ng Mga Pilipinong Paring Sekular sa Pilipinas Matinding kakulangan sa mga pari
Ang Dahilan ng Pag-usbong ng Kilusan para sa Sekularisasyon ng Mga Parokya Pumalag ang mga paring regular sa pamumuno ng mga Pilipinong paring sekular sa mga parokya kaya't binawi ang mga parokya bagay na hindi nagustuhan ng mga Pilipinong pari. Dito nabuo ang Kilusang Sekularisasyon na pinamunuan ni Padre Pedro Pelaez.
Isang pag-aalsa noong 1872 na kinasangkutan ng mga sundalo at mga manggagawa sa arsenal ng Cavite. ANG PAG-AALSA SA CAVITE (The Cavite Mutiny)
Ang pag-aalsang madaling nasugpo at naging makasaysayan sapagkat ito ang naging batayan upang isakdal at bitayin ang tatlong paring martir na idinawit lamang. ANG PAG-AALSA SA CAVITE (The Cavite Mutiny)
Ang tatlong paring masigasig na nakipaglaban para sa layunin ng Kilusang Sekularisasyon at pinagbintangang namuno sa pag-aalsa sa Cavite. (GOM - BUR - ZA) 1. Padre Mariano GOMez 2. Padre Jose BURgos 3. Padre Jacinto ZAmora
Ang Nangyari sa Tatlong Paring Pinagbintangang Namuno sa Pag-aalsa Agad na nilitis at binitay sa pamamagitan ng garrote
Petsa ng Pagbitay sa Tatlong Pari PEBRERO 17, 1872
Lugar ng Pinagbitayan sa Tatlong Pari BAGUMBAYAN (Rizal Park)
Ang Resulta ng Pagbitay sa Tatlong Paring Martir Ginawa ito ng mga Espanyol para matakot ang mga mag-aalsa pero lalo itong nagpaalab at nagpabuklod sa mga Pilipinong magkaisa laban sa kanila
Kilusang itinatag o umusbong mula sa Kilusang Sekularisasyon at Pagbitay sa Tatlong Paring Martir KILUSANG PROPAGANDA
Taong itinatag ang Kilusang Propaganda 1882
Kilusang naghangad ng pagkakaroon ng reporma o pagbabago sa katayuan ng mga Pilipino sa lipunan KILUSANG PROPAGANDA
Ang samahang gumamit ng panulat, papel, at karunungan upang maipaabot ang kanilang karaingan sa mga kinauukulan sa mapayapang paraan upang maiwasan ang pagdanak ng dugo. KILUSANG PROPAGANDA
5 Layunin ng Kilusang Propaganda (1 - 3) 1. Maging pantay ang mga Espanyol at Pilipino sa harap ng batas 2. Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas 3. Magkaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes ng Espanya
5 Layunin ng Kilusang Propaganda (4 - 5) 4. Italaga ang mga Pilipinong pari sa mga parokya 5. Magkaroon ng karapatang pantao ang mga Pilipino
Ang tawag sa mga kasapi ng Kilusang Propaganda PROPAGANDISTA
Ang Paglalarawan sa Mga Propagandista Mga matatapang na sumulat ng mga artikulong naglalaman ng pang-aabuso ng mga Espanyol at ang kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino
Unang Punong-Patnugot ng La Solidaridad GRACIANO LOPEZ JAENA
Mahusay na orador o mananalumpati at manunulat na may akda ng Fray Botod, Esperanza, at La Hija del Fraile na tumutuligsa sa katiwalian ng mga prayle. GRACIANO LOPEZ JAENA
Propagandista na gumamit ng pangalang Laong-laan at Dimasalang sa kanyang pagsulat sa kilusan. JOSE RIZAL
Siya ang may-akda sa dalawang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na tumuligsa sa katiwalian sa panahon ng mga Espanyol. JOSE RIZAL
Ang pinaghandugan ni Jose Rizal sa nobelang El Filibusterismo na lalong nagpagising sa damdaming makabansa ng mga Pilipino. GOMBURZA
Tinaguriang pinakadakilang manunulat ng Kilusang Propaganda at isang mahusay na manananggol. MARCELO H. DEL PILAR
Bumuo sa "Diariong Tagalog" MARCELO H. DEL PILAR
Propagandistang gumamit ng pangalang Plaridel sa kanyang pagsulat MARCELO H. DEL PILAR
May akda sa "Dasalan at Tocsohan", "Caiigat Cayo", at "Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas", at iba pa. MARCELO H. DEL PILAR
Opisyal na pang-araw-araw na pahayagan ng Kilusang Propaganda na tumutuligsa sa katiwalian ng mga Espanyol DIARIONG TAGALOG
Panulat na Pangalan ng Propagandistang si Antonio Luna TAGA-ILOG
Panulat na Pangalan ng Propagandistang si Juan Luna BUAN
Panulat na Pangalan ng Propagandistang si Jose Ma. Panganiban JOMAPA
Panulat na Pangalan ng Propagandistang si Mariano Ponce TIKBALANG, NANING, at KALIPULAKO
Samahang itinatag at binubuo ng mga Pilipino at Espanyol na may layuning magkaroon ng pagbabago. ASOCIACION HISPANO-FILIPINO (Kapisanang Espanyol-Filipino)
Taong itinatag ang Asociacion Hispano-Filipino 1889
4 Layunin ng Asociacion Hispano-Filipino (WIK/ES - BU/LU - DA/RI - PA/SE, BANG/AG) 1. Pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng paaralan sa Pilipinas 2. Pag-aalis ng mga buwis sa lupa at simbahan 3. Pagpapagawa ng mga daan at riles 4. Pagtatayo ng paaralang sekundarya sa mga lalawigan at mga bangkong pang-agrikultura at iba pa.
Dahilan ng Bigong Pag-usad ng Samahang Asociacion Hispano-Filipino 1. Problemang pampamunuan 2. Kakulangan sa pananalapi
Samahang itinatag ni Jose Rizal nang siya ay magbalik sa Pilipinas LA LIGA FILIPINA
Taong itinatag ang La Liga Filipina 1892
Isang mapayapang samahang nagsasabing ang sinumang Pilipinong nagmamahal sa bansa ay maaaring umanib. LA LIGA FILIPINA
Mga Layunin ng La Liga Filipina (1 - 3) 1. Pag-isahin ang mga Pilipino 2. Tulong-tulong na maipagtanggol ng mga Pilipino ang sarili laban sa mga karahasan at pang-aabuso ng mga Espanyol 3. Mahadlangan ang mga gawaing nakapipinsala at walang katarungan.
Mga Layunin ng La Liga Filipina (4 - 5) 4. Mapaunlad ang sistema ng edukasyon, pagsasaka, at pangangalakal sa bansa. 5. Mag-aral at magsagawa ng mga reporma.
Mga Kilalang Kasapi ng La Liga Filipina 1. Andres Bonifacio 2. Apolinario Mabini
Ang Dahilan ng Pagdakip at Pagpapatapon kay Jose Rizal sa Dapitan Ikinatakot ng pamahalaang Espanyol ang pagdami ng mga kasapi sa La Liga Filipina na itinatag ni Jose Rizal
Petsa ng pagdakip kay Jose Rizal Hulyo 1892
Ang Dahilan ng Paghina at Tuluyang Pagwawakas ng La Liga Filipina Ang pagdakip at pagpapatapon kay Jose Rizal
5 Dahilan ng Pagkabigo ng Kilusang Propaganda 1. Kawalan ng pagkakaisa ng mga kaanib 2. Kakulangan ng pondo 3. Ang kalagayang pampolitika ng Espanya 4. Personal na problema ng mga repormista tulad ng pagkakasakit at kahirapan 5. Pagkamatay
Samahang itinatag ni Andres Bonifacio KATIPUNAN O KKK (KATAAS-TAASAN, KAGALANG-GALANGANG KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN)
Petsa ng Pagkakatatag ng KKK HULYO 7, 1892
Tawag sa Mga Kasapi ng Katipunan KATIPUNERO
Ilan sa Mga Kilalang Katipunero 1. Deodato Arellano 2. Ladislao Diwa 3. Teodoro Plata 4. Valentin Diaz 5. At iba pa
Pangunahing Mithiin ng Katipunan (KKK) Ganap na kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng rebolusyon o paghihimagsik gamit ang mga armas.
Isa sa Mga Layunin ng Katipunan (KKK) Pagtuturo at pag-aaral ng kagandahang asal
Isinilang sa Tondo, Maynila at tinawag na "Ama o Supremo ng Katipunan" ANDRES BONIFACIO
Laking mahirap, maagang naulila, mag-isang itinaguyod ang mga nakababatang kapatid. ANDRES BONIFACIO
Hindi nakapag-aral ngunit natutong magbasa. Dahil sa nobela ni Rizal at iba pa, nabuksan ang damdaming makabayan. ANDRES BONIFACIO
Ang Sinulat ni Andres Bonifacio na Nagsilbing Isa sa Mga Gabay na Aral ng Samahan DEKALOGO NG KATIPUNAN
Ang sumulat sa "Kartilya ng Katipunan" na naging isang gabay ng Katipunan na may sagisag na Dimasilaw at Pingkian. EMILIO JACINTO
Kilala siya bilang "Utak ng Katipunan" at nagsilbing tagapayo ng samahan. EMILIO JACINTO
Ang naging patnugot ng pahayagang "Kalayaan". EMILIO JACINTO
Ang opisyal na pahayagan ng Katipunan na inilathala sa una't huling pagkakataon noong Marso 1896. KALAYAAN
Ang tawag sa mga pinakamataas na kaanib ng Katipunan. BAYANI
Ang hudyat (password) ng mga kinikilalang pinakamataas sa samahan o mga "Bayani". RIZAL
Ang hudyat (password) ng mga "Kawal", ang pangalawang pinakamataas sa Katipunan. GOMBURZA
Aang hudyat (password) ng mga "Katipon", ang pinakamababang grupo ng Katipunan. ANAK NG BAYAN
Ang Pamamaraan ng Pangangalap ng Miyembro ng Katipunan Ang bawat kasapi ay dapat maghanap ng bagong kasaping hindi bababa sa dalawa.
Show full summary Hide full summary

Similar

Gr6_AP_Aralin 2: Pagsibol ng Kamalayang Nasyonalismo
Rose Tabije
Gr6_AP_Aralin 4: Ang Himagsikan sa Kolonyalismong Espanyol Hanggang sa Deklarasyon ng Kalayaan
Rose Tabije
Gr6_AP_Aralin 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 11: Ang Panahanan at Katayuan ng Mga Pilipino sa Lipunan sa Panahon ng Mga Espanyol.
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 8: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas ( Ang Kristiyanismo at Ang Reduccion)
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 10: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Patronato Real
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 14: Patakarang Pangkabuhayan (Ekonomiya) ng mga Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 16: Mga Lokal na Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 3: Nick Vujicic: Ikaw ay Isang Mahalagang Dahilan
Rose Tabije
PAGSASANAY #1
darrel espino