Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol

Descripción

(Kab. III: Pagbabagong Kultural sa Pamahalaang Kolonyal) Araling Panlipunan Fichas sobre Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol, creado por Rose Tabije el 21/01/2020.
Rose Tabije
Fichas por Rose Tabije, actualizado hace más de 1 año
Rose Tabije
Creado por Rose Tabije hace casi 5 años
1967
0

Resumen del Recurso

Pregunta Respuesta
Konsehong gumagawa ng mga patakaran o batas para sa mga bansang sinakop ng Espanya. CONSEJO DE INDIAS
Ang humawak sa pamamahala ng Pilipinas mula sa Consejo de Indias noong 1836. MINISTRO DE ULTRAMAR
Taong nalipat ang pamamahala ng Pilipinas mula sa Consejo de Indias sa Ministro de Ultramar. 1836
Katulong ng Ministro de Ultramar sa pamamahala sa Pilipinas na nakabase sa Madrid. CONSEJO DE FILIPINAS
Ang kinakatawan ng konseho sa mga kolonya ng Espanya. VICEROY
Ang pamahalaang itinatag ng mga espanyol sa bansa. PAMAHALAANG SENTRALISADO
Ang pinakamataas at pinakamakapangyarihang opisyal na hinirang ng hari bilang kinatawan niya sa bansa. GOBERNADOR-HENERAL
Ang pinakamataas na posisyong walang itinakdang kwalipikasyon o panahon ng panunungkulan. GOBERNADOR-HENERAL
Mga Pangunahing Kapangyarihan ng Isang Gobernador-Heneral 1. Kapangyarihang Panlehislatura 2. Kapangyarihang Pang-ehekutibo 3. Kapangyarihang Panghudisyal
Kapangyarihang hindi ipatupad ang batas ng hari lalo na kung ang batas ay hindi angkop para sa pangangailangan ng kolonya. CUMPLASE
Mga Iba pang Kapangyarihang Taglay ng Gobernador-Heneral (1 - 3) 1. Cumplase 2. Kapangyarihang humirang at mag alis ng mga opisyal. 3. Hawak niya ang pamamahala sa hukbong sandatahan.
Mga Iba pang Kapangyarihang Taglay ng Gobernador-Heneral (4 - 5) 4. Siya ang pinakamataas na pinuno ng Real Audiencia at may karapatang magbigay ng hatol at kaparusahan at magpatawad o mag pawala ng sala. 5. Bilang Vice Real Patron, hawak niya ang buong Simbahan sa Pilipinas at may kapangyarihan pumili at mag-alis sa mga opisyal ng Simbahan.
Bilang ng naging Gobernador-Heneral sa Pilipinas. 100
Ang unang naging Gobernador-Heneral. MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI
Ang huling Gobernador-Heneral ng Pilipinas. DIEGO DELOS RIOS
Ang mga itinatag ng hari upang maiwasan ang mga pang-aabuso at masubaybayan ang pamamalakad ng mga Gobernador-Heneral. 1. REAL AUDIENCIA 2. RESIDENCIA 3. VISITADOR
Kataas-taasang hukuman ng Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol. REAL AUDIENCIA
Ang lumilitis sa mga pinunong patapos na ang panunungkulan at mapang-abuso sa tungkulin. REAL AUDIENCIA
Ang nagbibigay ng kaparusahan na pagpapatapon o pagpapaalis sa pwesto sa nagkasalang pinuno kasama na ang Gobernador-Heneral. REAL AUDIENCIA
Ang binubuo ng apat na oidor na nagsisilbing alcaldes de crimen, ang Gobernador-Heneral bilang pinakapinuno, isang piskal , isang alguacil mayor, at isang teniente de gran chanceler. REAL AUDIENCIA
Sistema ng pamahalaang Espanyol kung saan ang Real Audiencia at ang bagong Gobernador-Heneral ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa panunungkulan ng pinalitang Gobernador-Heneral at kanyang mga opisyal. RESIDENCIA
Ang tagal ng imbestigasyong Residencia. 6 buwan
Mga Parusa na Hatol ng Residencia 1. Pagkasuspinde sa tungkulin, O 2. Pagmumulta ng malaking halaga.
Isang tagapagsiyasat na pinadadala ng konseho upang magmasid sa kalagayan ng bansa. VISITADOR
Ang gumagawa ng mga pag-uulat lalo na sa mga opisyal o pinuno ng kolonya na siyang iniuulat sa hari ng Espanya sa kanyang pagbabalik. VISITADOR
Mga Gobernador-Heneral na naging mabuti at matapat sa tungkulin 1. Simon de Anda 2. Jose Raon 3. Jose Basco y Vargas 4. Narciso Claveria 5. Carlos Maria dela Torre
Ang Ginawa sa Bansa Upang Mapadali itong Pamahalaan 1. Hinati sa maliliit na yunit na nakabatay sa sistemang encomienda, at 2. Ang mga yunit ay pinamumunuan ng mga lokal na pinuno.
Ang ipinalit sa mapang-abusong sistemang encomienda. PAMAHALAANG PANLALAWIGAN
Dalawang Uri ng Pamahalaang Panlalawigan 1. ALCALDIA 2. CORREGIMIENTO
Ang mga kinatawan ng Gobernador-Heneral sa mga lalawigan. 1. ALCALDIA 2. CORREGIMIENTO
Ang pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ng Alcalde Mayor sa lugar na nasakop na at kumikilala sa pamahalaang Espanyol. ALCALDIA
Ang pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ng Corregidor sa lugar na hindi pa lubos na napasuko ng mga Espanyol. CORREGIMIENTO
Mga Tungkulin ng Alcalde-Mayor at Corregidor. 1. Punong Tagapagpaganap 2. Mangolekta ng buwis 3. Nangunguna sa gawaing panrelihiyon at pang-edukasyon.
Suweldo ng Alcalde-Mayor at Corregidor. DI GAANONG MALAKI
Ang Pribilehiyo ng Alcalde-Mayor at Corregidor. Paglahok sa kalakalang galyon o tinatawag na Indulto de Comercio.
Ang Bumubuo sa Isang Lalawigan Ilang pueblo o bayan
Ang Pinuno ng Isang Pueblo o Bayan GOBERNADORCILLO
Mga Kwalipikasyon ng Isang Gobernadorcillo 1. Di bababa sa 25 taong gulang. 2. Naging Tenyente-Mayor o Cabesa de Barangay.
Mga Tungkulin ng Gobernadorcillo 1. Mangolekta ng buwis 2. Magpatupad ng batas 3. Magpanatili ng kapayapaan 4. Pangalagaan ang kalinisan at kaayusan ng Casa Tribunal.
Ang gusaling tinutuluyan ng mga bisita at manlalakbay sa bayan. CASA TRIBUNAL
Ang Unang Paraan ng Paghahalal sa Gobernadorcillo Inihahalal siya ng mga mayayamang lalaki upang manungkulan ng isang taon.
Ang Kapalit na Paraan sa Paghalal sa Gobernadorcillo Ang lupon na binubuo ng labindalawang cabeza de barangay ay inihahalal nila ang isa sa kanila na maging gobernadorcillo.
Mga Pribilehiyo ng Gobernadorcillo 1. Hindi pagbabayad ng buwis 2. Hindi paglahok sa polo y servicios o sapilitang paggawa.
Ang pinakamataas na posisyong maaaring gampanan ng isang Pilipino. GOBERNADORCILLO
Ang ama ni Emilio Aguinaldo na isang halimbawa sa mga nakahawak ng posisyong Gobernadorcillo. CARLOS AGUINALDO
Bumubuo sa isang pueblo o bayan. Nagmula sa hinati-hating pueblo o bayan BARANGAY
Pinamumunuan ng cabeza de barangay na karaniwang raha o datu noon. BARANGAY
Ang Pangunahing Tungkulin ng Isang Cabeza de Barangay Maningil ng buwis
Mga Pribilehiyo ng Isang Cabeza de Barangay Wala siyang sweldo bagama't may pribilehiyo siyang: 1. Mapabilang sa pangkat ng principalia o aristokrasya o mga pangunahing tao sa bayan kasama ng gobernadorcillo. 2. Hindi siya nagbabayad ng buwis at di kabilang sa polo.
Ang naging cabeza de barangay sa gulang na 17 na labag sa batas ngunit makapangyarihan at maimpluwensya ang kanyang pamilya. EMILIO AGUINALDO
Tawag sa pamahalaan ng pueblong malaki at maunlad na ginawang lungsod. AYUNTAMIENTO
Pamahalaang hindi sakop ng pamahalaang panlalawigan sapagkat ito ay may sariling charter na nagtatadhana ng sariling patakaran at paraan ng pamamahala. AYUNTAMIENTO
Ang Mga Namumuno sa Isang Ayuntamiento o Lungsod. ALCALDE katulong ang MGA KONSEHAL
Mga Halimbawa ng Mga Pamahalaang Lungsod 1. Cebu 2. Maynila 3. Lipa 4. Albay 5. Arevalo 6. Jaro 7. Naga 8. Vigan
Mostrar resumen completo Ocultar resumen completo

Similar

Gr5_AP_Aralin 11: Ang Panahanan at Katayuan ng Mga Pilipino sa Lipunan sa Panahon ng Mga Espanyol.
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 8: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas ( Ang Kristiyanismo at Ang Reduccion)
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 10: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Patronato Real
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 14: Patakarang Pangkabuhayan (Ekonomiya) ng mga Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 16: Mga Lokal na Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan
Rose Tabije
Grade 5 music theory - Italian terms
Sarah Hyde
Gr5_Fil_Aralin 4: Ang Problema ni Moymoy Matsing
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 9: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas (Encomienda, Tributo, at Polo y Servicios)
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 1: Tatay Felix, Huwarang Ama
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Nasayang na Kahilingan
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Ang Magkaibang Buhay ng Magpinsang Daga
Rose Tabije