Gr5_AP_Aralin 16: Mga Lokal na Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan

Descripción

(Kab. IV: Mga Pagbabago sa Kolonya (Ika 18 Siglo - 1815)) Araling Panlipunan Fichas sobre Gr5_AP_Aralin 16: Mga Lokal na Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan, creado por Rose Tabije el 04/04/2020.
Rose Tabije
Fichas por Rose Tabije, actualizado hace más de 1 año
Rose Tabije
Creado por Rose Tabije hace más de 4 años
1790
0

Resumen del Recurso

Pregunta Respuesta
Isa sa Mga Pangunahing Epekto ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas Ang paglulunsad ng mga reporma o pagbabago sa ekonomiya ng bansa.
Ang Epekto ng Mga Repormang Pang-ekonomiya sa Pilipinas noong Panahon ng Mga Espanyol Naging mahirap ang pamumuhay sapagkat lahat ng mga pagbabagong ipinatupad ay pawang para sa kabutihan lamang ng mga mananakop.
Isa sa Mga Repormang Pang-ekonomiyang Isinagawa ng Mga Espanyol PAGTATATAG NG MONOPOLYO NG TABAKO
Mga Detalye Tungkol sa Monopolyo ng Tabako (1 - 3) 1. Sapilitan ang pagtatanim ng tabako. 2. Tanging tabako lamang ang produktong ipinag-utos na itanim. 3. Tanging sa pamahalaan lamang maaaŕing ibenta ang mga ani sa presyong itinakda nito.
Mga Detalye Tungkol sa Monopolyo ng Tabako (4 -5) 4. Ang pamahalaan ang nagtakda ng kaukulang dami at kalidad ng produktong ititinda sa kanila ng mga magsasaka. 5. Labag sa batas ang pag-iimbak ng tabako sa mga kamalig.
Mga Negatibong Epekto ng Monopolyo ng Tabako (1 - 2) 1. Dina nabigyang-pansin ang marami sa mga halaman at iba pang pananim. 2. Ang mga Pilipinong nagnanais ng magandang klase ng tabako ay napipilitang bumili sa mga pamilihan ng pamahalaan sa mataas na presyo.
Mga Negatibong Epekto ng Monopolyo ng Tabako (3 - 4) 3. Dahil ipinagbawal ang pagtatanim ng mais at palay, marami ang nagutom. 4. Dahil sa mga mapang-aping patakaran, natuto ang mga magsasakang magtanim sa mga maliliit na paso at natutong magpuslit ng mga matataas na kalidad ng tabako.
Ang Itinagal ng Monopolyo ng Tabako ISANG DAANG (100) TAON
Taong Tuluyang Itinigil ang Monopolyo ng Tabako sa Pilipinas 1881
Ang Mga Pag-aalsa sa Loob ng Estadong Kolonyal Bunga ng Mga Reporma 1. Pag aalsa ni Sumuroy 2. Paghihimagsik ni Dagohoy 3. Rebelyon nina Diego at Gabriela Silang
Ang anak ng isang babaylan o pinuno ng panrelihiyon ng mga sinaunang Pilipino na nanguna sa isang pag-aalsa. SUMUROY
Ang Sanhi ng Pag-aalsa ni Sumuroy 1. Ninais niyang ibalik ang dating katutubong relihiyon. 2. Laban siya sa sapilitang paggawa at pagpapadala sa kanila sa Cavite.
Ang Mga Lugar na Pinagmulan ng Pag-aalsa ni Sumuroy 1. SAMAR (sentro) Mga Nakipag-alsa 2. Sorsogon 3. Masbate 4. Cebu 5. Camiguin
Ang Itinagal ng Pag-aalsa ni Sumuroy Nagtagumpay si Sumuroy na magtatag ng isang malayang bayan sa kabundukan sa loob ng ISANG (1) TAON.
Ang kilala bilang pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas. PAGHIHIMAGSIK NI DAGOHOY
Ang namuno sa pinakamatagal na pag-aalsa laban sa mga Espanyol. FRANCISCO DAGOHOY
Ang Simula at Pagtatapos ng Paghihimagsik ni Dagohoy 1744 - 1829
Ang Itinagal ng Paghihimagsik ni Dagohoy 85 TAON
Ang dating cabeza de barangay na namuno sa isang pag-aalsa. FRANCISCO DAGOHOY
Ang Sanhi ng Paghihimagsik ni Dagohoy Ang pagtutol ng Simbahan na bigyan ng naaayong ritwal at libing ang kapatid ni Dagohoy.
Ang Gobernador-Heneral na matagumpay na nasupil ang Paghihimagsik ni Dagohoy GOBERNADOR-HENERAL MARIANO RICAFORT
Ang mag-asawang namuno sa pag-aalsa sa Lalawigan ng Ilocos. DIEGO AT GABRIELA SILANG
Mga Layunin ng Rebelyon nina Diego at Gabriela Silang 1. Alisin ang Indulto de Comercio 2. Mapatalsik sa pwesto ang mga abusadong opisyal 3. Mapababa ang buwis 4. Palayasin sa lalawigan ang mga Espanyol at mestizo
Ang Simula ng Rebelyon nina Diego at Gabriela Silang Nakipagsabwatan si Diego sa mga mananakop na Ingles na nangako sa kanya na magpapadala ng mga armas para sa isasagawang rebelyon.
Ang pag-aalsang nagsimula sa Silang, Cavite na kumalat sa mga karatig na bayan. ANG KILUSANG AGRARYO
Ang pag-aalsang ang Katagalugan ang naging sentro sapagkat dito matatagpuan ang mga hacienda ng mga prayle. ANG KILUSANG AGRARYO
Taong nagsimula ang pag-aalsa ng Kilusang Agraryo Abril 1745
Ang Sanhi ng Pag-aalsang Kilusang Agraryo ng 1745 Hindi makatarungang pangangamkam ng mga prayle o paring misyonero sa lupa ng mga katutubo.
Mga Pinuno ng Kilusang Agraryo ng 1745 1. Jose dela Vega 2. Francisco Santos de Medina 3. Ignacio Marcelo 4. Julio Lopez de Montoya 5. Andres Pulido 6. Francisco Gonzalez
Ang namuno sa isang pag-aalsa na ipinanganak sa Barrio Pandac, Lucban, Lungsod ng Tayabas (ngayon Quezon). APOLINARIO DE LA CRUZ
Ang isa pang tawag kay Apolinario dela Cruz. HERMANO PULE
Ang pag-aalsang may kinalaman sa pakikibaka para sa kalayaan sa relihiyon. PAG-AALSA NG KAPATIRAN NG SAN JOSE
Kapisanang itinatag ni Hermano Pule COFRADIA DE SAN JOSE
Ang Mga Sanhi ng pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose 1. Ang pagturing sa kapisanan na labag sa batas 2. Ang panggigipit ng pamahalaan sa pinuno nitong si Hermano Pule
Araw na binitay sa pamamagitan ng firing squad si Hermano Pule. NOBYEMBRE 4, 1841
Ang Okupasyon ng Mga Ingles sa Maynila 1762 - 1764
Ang Sanhi ng Okupasyon ng Mga Ingles sa Maynila Nadamay ang Espanya sa digmaang "Pitong Taong Digmaan" ng Britanya laban sa Pransiya ng kumampi ito sa Pransya.
Ang Briton namuno sa paglusob sa Look ng Maynila SIR WILLIAM DRAPER
Ang nagpahayag ng pormal na pagsuko ng Espanya sa mga Ingles ARSOBISPO ROJO
Petsa ng pagsuko ni Arsobispo Rojo OKTUBRE 1762
Araw na ibinalik ng mga Ingles ang pamamahala sa bansa sa mga Espanyol PEBRERO 10, 1763
Ang Sanhi ng Pagbabalik ng Pamamahala sa Mga Espanyol Itinakda ng kasunduang pangkapayapaan sa Paris noong Pebrero 10, 1763 ang pagwawakas ng "Pitong Taong Digmaan" at pagbabalik ng mga nasakop ng mga Ingles sa mga dating namamahala.
Ang Bunga ng Okupasyon ng Mga Ingles sa Maynila Nakita ng maraming Pilipino ang kahinaan ng mga Espanyol.
Mga sundalong Indian na nakakasama ng mga mananakop na Ingles na tumiwalag at namalagi sa Cainta, Rizal. SEPOY
Mostrar resumen completo Ocultar resumen completo

Similar

Gr5_AP_Aralin 11: Ang Panahanan at Katayuan ng Mga Pilipino sa Lipunan sa Panahon ng Mga Espanyol.
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 8: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas ( Ang Kristiyanismo at Ang Reduccion)
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 10: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Patronato Real
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 14: Patakarang Pangkabuhayan (Ekonomiya) ng mga Espanyol
Rose Tabije
Grade 5 music theory - Italian terms
Sarah Hyde
Gr5_Fil_Aralin 4: Ang Problema ni Moymoy Matsing
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 9: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas (Encomienda, Tributo, at Polo y Servicios)
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 1: Tatay Felix, Huwarang Ama
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Nasayang na Kahilingan
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Ang Magkaibang Buhay ng Magpinsang Daga
Rose Tabije