Gr6_AP_Aralin 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo

Descripción

(Kab I: Kinalalagyan ng Pilipinas@Malayang Kaisipan sa Mundo) Araling Panlipunan Fichas sobre Gr6_AP_Aralin 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo, creado por Rose Tabije el 14/09/2020.
Rose Tabije
Fichas por Rose Tabije, actualizado hace más de 1 año
Rose Tabije
Creado por Rose Tabije hace más de 4 años
557
0

Resumen del Recurso

Pregunta Respuesta
Ang ginagamit upang matukoy ang absolute location ng Pilipinas sa mundo gamit ang mapa o globo o pagtukoy ng tiyak na kinalalagyan ng isang lugar sa mundo. GRID
Nabubuo ito sa pamamagitan ng pinagsamang mga guhit parallel at meridian. GRID
Ang eksaktong lokasyon ng lugar na ito ang nagtatakda ng tiyak na lokasyon ng isang bansa sa pamamagitan ng longhitud at latitud. KABESERA NG BANSA
Ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas ayon sa kabesera nitong Lungsod ng Maynila. 14°23' at 21°25' Hilaga at 116°00' at 127°00' Silangan
Ang lokasyong ito ay maaring itakda sa pamamagitan ng mga nakapaligid na hanggahang lupain o mga katubigang nakapaligid dito. LOKASYONG RELATIVE O VICINAL
Ang tawag sa lokasyong relative ng mga lugar na lubusang napililigiran ng mga lupain. RELATIBONG LOKASYONG KONTINENTAL
Ang tawag sa lokasyong relative sa mga pulo o kapuluang bansa na natutukoy sa pamamagitan ng nakapaligid na katawan ng tubig. RELATIBONG LOKASYONG MARITIME
Ang 2 lugar sa hilaga ng Pilipinas. BASHI CHANNEL at TAIWAN
Ang 4 lugar sa kanluran ng Pilipinas. 1. Ang Dagat Kanlurang Pilipinas 2. LAOS 3. CAMBODIA 4. VIETNAM
Ang lugar sa timog-kanluran ng Pilipinas BORNEO
Ang 2 lugar sa timog ng Pilipinas DAGAT CELEBES at PULO NG SULAWESI
Ang lugar sa silangan ng Pilipinas KARAGATANG PASIPIKO
Tumutukoy sa sukat ng lupaing saklaw ng hurisdiksyon ng isang bansa o estado. TERITORYO
4 na Iba't-ibang Uri ng Teritoryo 1. TERRESTRIAL ( kalupaan) 2. FLUVIAL ( katubigan) 3. MARITIME (karagatan) 4. AERIAL ( kalawakang itaas)
Isang kapuluan o arkipelago sa Timog-Silangang Asya na may lawak na lupaing 300,000 kilometro kuwadrado. PILIPINAS
Ang doktrinang ginagamit bilang batayan ng pagsukat ng mga lupain at karagatan ng Pilipinas. DOKTRINANG PANGKAPULUAN
Taong pinagtibay ang UNCLOS o United Nations Convention on the Law of the Sea. 1982
Ang milya ng karapatang territorial sea na ipinagkaloob ng UNCLOS sa mga bansang may baybay-dagat. 12 nautical miles o milyang pandagat mula sa baseline
Milya ng ipinagkaloob na Exclusive Economic Zone o Eksklusibong Sonang Pang-ekonomiya. 200 milyang pandagat mula sa baseline
Milya ng ipinagkaloob na continental shelf. 200 milyang pandagat mula sa baseline
Ang pinakamaliit na estado na may 44,000 kilometro kwadradong sukat ng teritoryo. VATICAN STATE
Ang pinakamalaking estadong may kabuuang sukat ng lupa na 8,599,766 milya kwadrado bago ito nabuwag noong 1991. UNION OF SOVIET SOCIALIST REPUBLICS (USSR)
Ang kasunduan kung saan ipinagkaloob ng Espanya sa Estados Unidos ang Pilipinas sa halagang dalawampung milyong dolyar. KASUNDUAN SA PARIS (Treaty of Paris)
Petsa ng Kasunduan sa Paris sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos. DISYEMBRE 10, 1898
Kasunduan ng Espanya at Estados Unidos na nagdagdag sa teritoryo ng bansa ang Cagayan, Sulu at Sibutu. KASUNDUAN SA WASHINGTON (Treaty of Washington)
Kasunduang nagpahayag sa hanggahang sakop ng Pilipinas kaugnay ng hanggahan ng Hilagang Borneo. KASUNDUAN NG ESTADOS UNIDOS AT GRAN BRITANYA
Petsa ng kasunduan ng Estados Unidos at Gran Britanya na nagpahayag na sakop ng Pilipinas ang Mangsee Island at Turtle Island. ENERO 2, 1930
Ang batas na tumutukoy na ang pulo ng Batanes ay bahagi ng Pilipinas. SALIGANG BATAS NG 1935
Ang batas na nilagdaan ni Pangulong Marcos na nag-aangkin sa pulo ng Kalayaan o Spratly Islands. ATAS NG PANGULO BLG. 1596
Ang bahagi ng Saligang Batas ng 1987 na nagsasaad sa teritoryo ng Pilipinas. ARTIKULO I (Pambansang Teritoryo), SEKSIYON 1
Tumutukoy sa bahagi ng kalawakang sumasakop sa teritoryong lupain at karagatan ng Pilipinas. KALAWAKANG PANGHIMPAPAWID
Bahagi ng dagat na sumasaklaw ng 12 nautical miles palabas papuntang dagat na hanggahan ng bansa. DAGAT TERITORYAL
Tumutukoy ito sa lupang nasa ilalim ng dagat. ILALIM NG DAGAT
Tumutukoy ito sa lupang nasa ilalim ng kalupaan at lahat ng mineral at likas na yamang matatagpuan dito. KAILALIMAN NG LUPA
Sumasakop ito sa lahat ng mga dagat na nasa pagitan at nag-uugnay sa lahat ng pulo, maging ano man ang lawak at sukat. MGA DAGAT NA NAPAPALOOB SA PILIPINAS
Sumasakop sa mga talampas na nasa ilalim ng tubig na bahagi ng kalatagan ng dagat na nakadugtong sa baybayin ng isang pulo o kontinente. KALAPAGANG INSULAR
Lugar kung saan pinagtibay ng mahigit 150 bansa ang kasunduang UNCLOS noong Disyembre 10, 1982. JAMAICA
3 Importanteng Kasunduang Napagtibay sa UNCLOS 1. DOKTRINANG PANGKAPULUAN (Archipelagic doctrine) 2. 12 nautical miles ang hanggahan ng teritoryo sa palibot ng kapuluan 3. Exclusive Economic Zone (EEZ) na may hurisdiksiyon hanggang sa 200 nautical miles mula sa batayang guhit (baseline).
Dating tinatawag na Hilagang Borneo SABAH
Mga 4 na Kahalagahan ng Lokasyon ng Pilipinas 1. Mahalagang rutang pangkalakalan 2. Naging daungan ng mga barkong pangkalakalan sa Karagatang Pasipiko 3. Nagsisilbing terminal, partikular ang Pandaigdigang Paliparan 4. Mainam na pagtayuan ng mga kampong panghimpapawid at pandagat.
Bahagi ng Saligang Batas o Konstitusyon na nagsasaad na maaring tawagan ang sambayanan upang ipagtanggol ang Estado. ARTIKULO II, SEKSIYON 4
Mostrar resumen completo Ocultar resumen completo

Similar

Gr6_AP_Aralin 2: Pagsibol ng Kamalayang Nasyonalismo
Rose Tabije
Gr6_AP_Aralin 3: Mga Pangyayari at Kilusang Nagpausbong sa Damdaming Nasyonalismo
Rose Tabije
Gr6_AP_Aralin 4: Ang Himagsikan sa Kolonyalismong Espanyol Hanggang sa Deklarasyon ng Kalayaan
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 11: Ang Panahanan at Katayuan ng Mga Pilipino sa Lipunan sa Panahon ng Mga Espanyol.
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 1: Tatay Felix, Huwarang Ama
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 8: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas ( Ang Kristiyanismo at Ang Reduccion)
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 10: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Patronato Real
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 14: Patakarang Pangkabuhayan (Ekonomiya) ng mga Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 16: Mga Lokal na Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan
Rose Tabije
PAGSASANAY #1
darrel espino