Ayon kay Dr. Dy, Mayroong Tatlong
Mahahalagang Sangkap ang Tao
ISIP - kakayahang
mag-isip, alamin
ang diwa at buod
ng isang bagay
PUSO - Dito
nanggagaling ang
pasya at emosyon.
Sa puso hinuhubog
ang personalidad ng
tao
KAMAY O KATAWAN -
sumasagisag sa pandama,
panghawak, paggalaw,
paggawa at pagsasalita (sa
bibig o pagsusulat). Ginagamit
upang ipahayag ang nilalaman
ng isip at puso sa kongkretong
paraan
Kawangis ng Diyos dahil:
2. may KILOS-LOOB o ang kapangyarihang
pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
Ang kilos-loob ayon kay Santo Tomas
de Aquino ay isang makatwirang
pagkagusto sapagkat ito ay pakultad
(faculty) na naaakit sa mabuti at
lumalayo sa masama
1. may ISIP o kakayahang
mag-isip
Ang ISIP ay patuloy na naghahanap ng
katotohanan. Sa pamamagitan ng kaalamang
natuklasan, maaari syang gumawa para sa
ikabubuti ng kanyang kapwa.
May tungkuling sanayin, paunlarin at gawing
ganap ang isip at kilos-loob
Habang marami siyang natutuklasang kaalaman at karunungan sa
pamamagitan ng pag-aaral o pagsasaliksik, inaasahan ding
naipamamalas sa kanyang pagkatao ang mapanagutang paggamit ng
mga ito