Loading [MathJax]/jax/output/HTML-CSS/fonts/TeX/fontdata.js

Gr5_AP_Aralin 11: Ang Panahanan at Katayuan ng Mga Pilipino sa Lipunan sa Panahon ng Mga Espanyol.

Descrição

Araling Panlipunan (Kab. III: Pagbabagong Kultural sa Pamahalaang Kolonyal) FlashCards sobre Gr5_AP_Aralin 11: Ang Panahanan at Katayuan ng Mga Pilipino sa Lipunan sa Panahon ng Mga Espanyol., criado por Rose Tabije em 13-12-2019.
Rose Tabije
FlashCards por Rose Tabije, atualizado more than 1 year ago
Rose Tabije
Criado por Rose Tabije aproximadamente 5 anos atrás
2292
0
1 2 3 4 5 (0)

Resumo de Recurso

Questão Responda
Sistemang itinatag para maging organisado ang panahanan ng mga sinaunang Pilipino. Sistemang nagbigay-daan sa isang sentralisadong pamahalaan. SISTEMANG REDUCCION
Uri ng pamahalaang itinatag at pinamumunuan ng gobernador-heneral na namumuno sa buong Pilipinas. SENTRALISADONG PAMAHALAAN
Pinakamaliit na yunit ng pamahalaan. BARANGAY
Binubuo ng pinagsama-samang barangay. PUEBLO O BAYAN
Binubuo ng pinagsama-samang pueblo o bayan. LALAWIGAN
Mga Pagbabago sa Panahanan ng Mga Pilipino Noong Panahon ng Mga Espanyol 1. Ang mga bahay na dating yari sa kahoy at pawid ay naging bato o tisa. 2. Ang mga bintana ay malalaki at may rehas. 3. May mga silid, sala, komedor, at balkonahe/asotea, at batalan.
Ang Kinajinatnan ng Mga Bahay Kubo Noong Panahon ng Mga Espanyol May mga bahay kubo pa rin noon dahil hindi lahat ng lugar sa bansa ay nasakop ng mga Espanyol sa sobrang layo o liblib ng lugar.
Ang unang obispo at unang nagpagawa ng isang gusaling yari sa bato sa Pilipinas. PADRE DOMINGO SALAZAR
Ang Pagbabago sa Panlipunang Pamumuhay ng Mga Pilipino Bunga ng Paglaganap ng Kristiyanismo o Katolisismo sa Bansa Higit na naituro sa mga mamamayan ang kahalagahan ng pamilya at maging ang gampanin ng bawat kasapi nito.
Ang haligi at ulo ng tahanan. Tagapagtaguyod ng seguridad at kaligtasan ng buong pamilya. AMA
Ang itinuturing na ilaw ng tahanan. Ang nakakaalam ng lahat ng mga gawaing-bahay. INA
Ang nagsisilbing tagapag-ingat sa lahat ng kayamanan at mga katangian at nagsisilbing ng mga anak. INA
Ang itinuturing na biyaya mula sa Maykapal. Ang tinuturuan at sinasanay na maging magalang at masunurin sa magulang. MGA ANAK
Ang anak na sinasanay ng ama sa paghahanapbuhay. ANAK NA LALAKI
Ang anak na tinuturuan sa mga gawaing-bahay. ANAK NA BABAE
Ang Mga lba't-ibang Antas ng Mga Naninirahan sa Pilipinas (Mga Dugong Espanyol) Noong Panahon ng Mga Espanyol 1. Peninsulares 2. Insulares/Criollo 3. Mestizo 4. Gitnang-uri
Mga Espanyol na isinilang sa Espanya pero sa Pilipinas naninirahan. Ang kinikilalang may pinakamataas na katayuan sa lipunan. PENINSULARES
Mga Espanyol na isinilang at naninirahan sa Pilipinas. Ang pumapangalawa sa mga Peninsulares sa katayuan sa lipunan. INSULARES
Ang lahing nabuo mula sa mga magulang na katutubong Pilipino at ibang lahi tulad ng Tsino o Espanyol. MESTIZO
Ang pangkat ng mga taong nagkaroon ng maayos na pamumuhay kaya nakapagpag-aral ng kanilang mga anak sa Pilipinas o maging sa Europa. MGA GITNANG-URI
Binubuo ng mga negosyante, doctor, guro, manunulat, at mga may-ari ng lupa. MGA GITNANG-URI
Tawag sa mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa. ILUSTRADO
Sa hanay ng mga Pilipino , sila'y itinuring na kapantay ng mga mestizo noon. Sila ay kabilang sa mataas na antas sa lipunan na nagtatamasa ng mga pribilehiyo at mga karapatan. PRINCIPALIA
Kinabibilangan ng angkan ng mga dating datu at maharlika, mga lokal na opisyal, mga mamamayang mangangalakal o haciendero sa bansa. PRINCIPALIA
Ang pangkat ng mga tagapangasiwa ng lupa ng hindi nila pag-aari. INQUILINO
Sila ay nabigyan ng pagkakataong umupa ng mga taong makatutulong sa paglinang ng lupa kaya't angat sila ng konti sa mga karaniwang tao. INQUILINO
Bumubuo sa higit na malaking bahagdan ng tao sa lipunan at kakaunti ang tinatamasang karapatan at pribilehiyo. Binubuo ng mga manggagawa at mga magsasaka. KARANIWANG TAO O INDIO
Sila ay mga katutubong Pilipinong itinuturing ng mga Espanyol na mababang-uri ng tao sa lipunan. Nagkaroon ng negatibong kahulugan na ibig sabihin ay tamad, mangmang, at alipin. INDIO
Ang itinuturing na Pilipino noong panahon ng mga Espanyol bago itinuring na rin ang mga Indio. INSULARES
Ang Mga lba't-ibang Antas ng Mga Naninirahan sa Pilipinas (Mga Dugong Pilipino) Noong Panahon ng Mga Espanyol 1. Principalia 2. Inquilino 3. Mga Karaniwang Tao o Indio
Ang Kalagayan ng Mga Babae sa Lipunan Noong Panahon ng Mga Espanyol (1 - 2) 1. Lalong tumaas ang kanilang katayuan sa lipunan sapagkat sila'y nirerespeto ng lahat ng mga kalalakihan. 2. Malaya silang nakalalahok sa mga gawain sa pangangalakal.
Ang Kalagayan ng Mga Babae sa Lipunan Noong Panahon ng Mga Espanyol (3 - 4) 3. Ang mga babaeng walang asawa ay lubos na iniingatan. Mayroon silang kasama o taga-bantay sa mga pagtitipon. 4. Hindi sila basta-basta maaring makihalubilo sa mga kalalakihan.
Isang bidang babae sa nobela ni Dr. Jose Rizal na nagpapakita ng kalagayan at katangian ng isang babaeng Pilipina noong panahon ng mga Espanyol. Babaeng iginagalang at minamahal ng marami, mahinhin, malambing, at tunay na maka-Diyos. MARIA CLARA
Ang Edukasyon ng Mga Babae Noong Panahon ng Mga Espanyol Sila ay hindi maaaring makapag-aral sa mga unibersidad at makakuha ng kursong abogasya, medisina, at iba pa ngunit binigyan sila ng pagkakataong makapag-aral sa mga kolehiyo at beateriong eksklusibong para sa kababaihan.
Dalawang Uri ng Paaralan Para sa Mga Kababaihan 1. KOLEHIYO 2. BEATERIO
Regular na paaralan para sa mga kababaihan. KOLEHIYO
Ang Mga Itinatag na Kolehiyo Para sa Kababaihan sa Pilipinas 1. Colegio de Santa Potenciana (1589) 2. Colegio de Santa Isabel (1632) 3. Colegio de Santa Rosa (1750) 4. Colegio de la Concordia (1868) 5. Assumption Convent (1892)
Ang unang kolehiyo para sa mga babae na itinatag noong 1589. COLEGIO DE SANTA POTENCIANA
Ang pinakamatandang kolehiyo ng mga babae sa Pilipinas. COLEGIO DE SANTA POTENCIANA
Taong pinagsanib ang Colegio de Santa Isabel at Colegio de Santa Potenciana. 1866
Ang Mungkahi Para sa Mga Kababaihang Walang Balak Mag-asawa Binibigyan ng pagkakataong magmadre at iaalay ang kanilang buhay at panahon sa Diyos.
Ang paaralang eksklusibo para sa mga kababaihan na ang karaniwang itinuturo ay ang pagluluto, pagbuburda, pagsunod sa kagandahang asal, at musika. BEATERIO
Ang Mga Itinatag na Beaterio Para sa Mga Kababaihan sa Pilipinas 1. Beaterio de la Compania de Jesus (1684) 2. Beaterio de Santa Catalina (1696) 3. Beaterio de San Sebastian (1719)
Ang beateriong itinatag sa pangunguna ng madre na si Mother Ignacia del Espiritu Santo na kilala ngayon bilang Saint Mary's College sa Lungsod ng Quezon. BEATERIO DE LA COMPANIA DE JESUS
Ang Edukasyon sa Pilipinas Noong Panahon ng Mga Espanyol Noong unang panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang mga Pilipino ay walang karapatang mag-aaral sa mga paaralang Espanyol.
Isang dekreto o batas na ipinalabas noong 1863 tungkol sa pagbubukas ng mga paaralang pampubliko para sa kalalakihan at iba pang paaralang pampubliko para sa kababaihan. Education Decree of 1863
Ang Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos Maipalabas ang Education Decree of 1863 (1 - 2) 1. Magkaiba ang paaralan ng kalalakihan at kababaihan. 2. Ang pamahalaan ang siyang namuno sa mga pampublikong paaralan para sa lahat Espanyol o Pilipino, mayaman o mahirap.
Ang Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos Maipalabas ang Education Decree of 1863 (#3) 3. Nagkaroon ng paaralang normal na nagsasanay sa mga lalaki na nais maging guro Ang kurso ay tinatapos sa loob ng tatlong taon. Ang mga nagtatapos na guro ay hinihirang na maging guro sa mga paaralang-bayan.
Ang Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos Maipalabas ang Education Decree of 1863 (#4) 4. Noong 1892, nagpalabas ng dekreto sa pagkakatatag ng paaralang normal para sa mga babae na pinamamahalaan ng mga madre ng Assumption.
Ang Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos Maipalabas ang Education Decree of 1863 (#5) 5. Nagkaroon din ng mga paaralang bokasyonal na nagturo ng tamang paraan ng pagtatanim, pagkakarpintero, at pagpipinta para sa mga lalaki at pananahi at pagbuburda para sa mga babae.
Ang Mga Pagbabago sa Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos ng Panahon ng Kolonyang Espanyol (1 - 2) 1. Hanggang ngayon ay may mga paaralan pa ring eksklusibo para sa mga lalaki at babae lamang. 2. Pinapayagan ngayong mag-aaral ang mga babae sa unibersidad.
Ang Mga Pagbabago sa Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos ng Panahon ng Kolonyang Espanyol (#3) 3. Ang Unibersidad ng Santo Tomas na dati'y panlalaki lamang ay tumatanggap na rin ng mga mag-aaral na babae at lalaki.
Balkonahe ng bahay na kalimitang yari sa bato o kongkreto. ASOTEA
Matinding pagmamahal sa bayan. NASYONALISMO
Uri ng paaralang pinamamahalaan ng pamahalaang bukas para sa lahat ng mamamayan at walang bayad. PAARALANG PAMPUBLIKO
Parte ng bahay kubo na pinagpapaliguan at pinaghugasan ng mga kagamitan. BATALAN
Isang uri ng kurso o pag aaral na may kaugnayan sa prinsipyo o kaisipan ng katotohanan at kalayaan ng buhay. PILOSOPIYA
Isang uri ng kurso o pag-aaral na may kaugnayan sa relihiyon o pananampalataya. TEOLOHIYA

0 comentários

There are no comments, be the first and leave one below:

Semelhante

Gr5_AP_Aralin 10: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Patronato Real
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 14: Patakarang Pangkabuhayan (Ekonomiya) ng mga Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 16: Mga Lokal na Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan
Rose Tabije
Grade 5 music theory - Italian terms
Sarah Hyde
Gr5_Fil_Aralin 4: Ang Problema ni Moymoy Matsing
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 9: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas (Encomienda, Tributo, at Polo y Servicios)
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 1: Tatay Felix, Huwarang Ama
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Ang Magkaibang Buhay ng Magpinsang Daga
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Nasayang na Kahilingan
Rose Tabije