Gr6_AP_Aralin 4: Ang Himagsikan sa Kolonyalismong Espanyol Hanggang sa Deklarasyon ng Kalayaan

Descrição

Araling Panlipunan (Kab I: Kinalalagyan ng Pilipinas@Malayang Kaisipan sa Mundo) FlashCards sobre Gr6_AP_Aralin 4: Ang Himagsikan sa Kolonyalismong Espanyol Hanggang sa Deklarasyon ng Kalayaan, criado por Rose Tabije em 18-10-2020.
Rose Tabije
FlashCards por Rose Tabije, atualizado more than 1 year ago
Rose Tabije
Criado por Rose Tabije aproximadamente 4 anos atrás
666
0

Resumo de Recurso

Questão Responda
Ang katipunerong nangumpisal sa pari na naging dahilan ng pagkakabisto ng Katipunan TEODORO PATIÑO
Ang paring pinagkumpisalan ni Teodoro Patiño na nagbunyag sa pagkakaroon ng Katipunan. PADRE MARIANO GIL
Ang katipunerong naka-away ni Teodoro Patiño. APOLONIO DE LA CRUZ
Ang petsa ng pagpapatawag ng mga pinuno ng Katipunan upang magkasundo na simulan ang paghihimagsik. Kilala din ang pangyayaring ito bilang "Sigaw sa Pugad Lawin". AGOSTO 23, 1896
Petsa nung sabay-sabay na pinunit ng mga Katipunero ang kanilang sedula at sumigaw ng "Mabuhay ang Pilipinas!" bilang tanda ng kanilang pakikipaglaban at naging hudyat ng pagsisimula ng himagsikan. AGOSTO 23, 1896
8 Lalawigang Nanguna sa Himagsikan at Isinailalim ng Mga Espanyol sa Batas Militar (BU-TA-BA-CA-LA-NU-PA-MA) 1. Batangas 2. Tarlac 3. Bulacan 4. Cavite 5. Laguna 6. Nueva Ecija 7. Pampanga, ay 8. Maynila
Ang Sinasagisag ng Walong Sinag ng Araw sa Pambansang Watawat. Ang walong lalawigang nanguna sa himagsikan at kalauna'y isinailalim sa batas militar ng mga Espanyol
Ang Dalawang Pangkat ng Katipunan 1. MAGDALO 2. MAGDIWANG
Ang pangkat o paksiyon na pinamunuan ni Baldomero Aguinaldo, pinsan at kakampi ni Emilio Aguinaldo MAGDALO
Ang pangkat o paksiyon na pinamunuan ni Mariano Alvarez na panig kay Andres Bonifacio MAGDIWANG
Ang namuno sa mga Katipunero sa Cavite. EMILIO AGUINALDO
Ang batambatang pinunong ipinanganak sa Kawit, Cavite at naging Kapitan Munisipal sa gulang na 26. EMILIO AGUINALDO
Mahusay na pinuno na naging matagumpay sa lahat ng kanyang laban at tumalo sa mga kawal na pinamunuan mismo ng Gobernador-Heneral na si Ramon Blanco. EMILIO AGUINALDO
Kilala bilang Kapitan Miong at kalauna'y naging Heneral Miong. EMILIO AGUINALDO
Ang Sanhi ng Tejeros Convention 1. Ang alitan sa dalawang pangkat sa Katipunan 2. Ang sunod-sunod na pagkatalo ng mga Katipunero sa maraming laban
Mga Layunin ng Tejeros Convention 1. Ayusin ang mga suliranin ng Katipunan 2. Magtatag ng isang bagong pamahalaan
Ang Pangyayari sa Kumbensyon sa Tejeros Nagkaroon ng halalan. Nahalal si Aguinaldo bilang pangulo at si Bonifacio bilang Direktor ng Interyor.
Ang Tumutol sa Pagkapanalo ni Bonifacio DANIEL TIRONA
Ang Dahilan ni Tirona sa Pagtutol sa Pagkapanalo ni Bonifacio Pagiging hindi abogado ni Bonifacio
Ang Reaksyon ni Bonifacio sa Pagtutol ni Tirona Nagdamdam at bilang Supremo ng Katipunan ay pinawalang-bisa niya ang resulta ng eleksyon
Ang Reaksyon ni Aguinaldo sa Pangyayari Nanumpa pa rin sina Aguinaldo at ang kanyang gabinete bilang mga halal na opisyales ng Rebolusyonaryong Pamahalaan noong Abril 1897
Ang Sumunod na Pangyayari Pagkapanumpa kina Aguinaldo at Kanyang Gabinete Dinakip at inakusahan agad ng pamahalaan si Bonifacio at ang kapatid nitong si Procopio ng pagtataksil sa bayan (treason)
Nanguna sa binuong Konseho ng Digmaan na naatasang litisin ang kaso ng magkapatid na Bonifacio HENERAL MARIANO NORIEL
Ang Pamamaraan ng Paglilitis sa Magkapatid na Bonifacio Mabilis ang paglilitis. At kahit walang sapat na ebidensya ay pinatawan pa rin sila ng parusang kamatayan.
Ang Ginawa ni Aguinaldo sa Ipinataw na Parusang Kamatayan sa Mga Bonifacio Sa una, binago ni Aguinaldo ang parusa at ginawang pagpapatapon nalang sa malayong lugar (exile). Pero ibinalik uli sa kamatayan para diumano magkaisa ang rebolusyon.
Mga Nagpayo kay Aguinaldo na Ibalik ang Parusang Kamatayan sa Magkapatid na Bonifacio 1. HENERAL MARIANO NORIEL 2. HENERAL PIO DEL PILAR
Petsa ng Pagbitay sa Magkapatid na Bonifacio MAYO 10, 1897
Lugar na Pinagbatayan sa Magkapatid na Bonifacio BUNDOK NAGPATONG, MARAGONDON, CAVITE
Bunga ng Pagbitay sa Magkapatid na Bonifacio Humina ang rebolusyon at unti-unting nabawi ng mga Espanyol ang mga nasakop na lugar ng mga rebolusyonaryo.
Petsang Nabawi ni Gobernador-Heneral Primo de Rivera ang Cavite HULYO 1897
Ang Ginawa ni Aguinaldo sa unti-unting Pagkawala sa Kanyang Mga Nasakop Mula Cavite, tumakas sila papuntang Talisay, Batangas at pagkatapos ay nagtungo sila sa Bulacan
Lugar Kung Saan Itinatag ni Aguinaldo ang Republika ng Biak-na-Bato BULACAN
Petsa na Pinagtibay ang Saligang Batas ng Biak-na-Bato NOBYEMBRE 1, 1897
Mga Bumuo sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato 1. FELIX FERRER 2. ISABELO ARTACHO
Ang Pinagbatayan ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato SALIGANG BATAS NG CUBA
Mga Itinakda ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato 1. Ang paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya at pagtatayo ng Republikang Pilipino. 2. Ang kalayaan sa pananampalataya, kalayaan sa edukasyon, kalayaan sa panulat, at kalayaan sa pagtataguyod ng sariling propesyon.
Ang Mestiso Espanyol na Tumayong Tagapamagitan ng Pamahalaang Espanyol at ng Pangkat ni Aguinaldo PEDRO PATERNO
Bilang ng Kasunduang Nilagdaan Sa Kasunduang Biak-na-Bato 3 (TATLO)
Ang Dahilan ng Pagkabigo ng Kasunduang Pangkapayapaan sa Biak-na-Bato Kawalan ng pagtitiwala ng magkabilang panig sa isa't-isa
Mga Napagkasunduan sa Kasunduang Biak-na-Bato Ang paghinto ng himagsikan at kusang pagtira sa Hong Kong bilang tapon (exile) ng mga pinunong rebolusyonaryo at pagsuko ng mga armas kapalit ang pera.
Petsa ng Pagdaraos ng Tejeros Convention MARSO 22, 1897
Unang Pangulo ng Rebolusyonaryong Pamahalaan EMILIO AGUINALDO
Natatanging Babaeng Heneral ng Himagsikan mula sa Santa Cruz, Laguna AGUEDA KAHABAGAN
Babaeng Rebolusyonaryo Mula sa Cavite na Nasawi Habang Nakikipaglaban. GREGORIA MONTOYA
Babaeng Rebolusyonaryo ng Iloilo sa Visayas na Namuno at nakisangkot sa Mga Labanan TERESA MAGBANUA
Matandang Babaeng Kumupkop at Nagpakain sa Maraming Mga Katipunero sa Kanyang Tahanan Kaya't Ipinatapon sa Guam MELCHORA AQUINO o "TANDANG SORA"
Babaeng Tumulong sa Pag-aaruga sa Mga Sugatang Katipunero at Tinaguriang "Ina ng Biak-na-Bato" TRINIDAD TECSON
Mga Iba Pang Babaeng Tumulong sa Pag-aaruga sa Mga Sugatang Katipunero 1. ELEUTERIA FLORENTINO-REYES, ILOCOS 2. BERNARDA TAGALOG, CAVITE
Ang Magiting na Asawa ni Andres Bonifacio na Tinaguriang "Lakambini ng Katipunan". Isa Rin Siya sa Mga Tagapag-ingat ng Mga Papeles ng Katipunan GREGORIA DE JESUS
Petsa ng Paglisan nina Aguinaldo at 36 pang Ibang Rebolusyonaryo Patungong Hong Kong DISYEMBRE 27, 1897
Petsa ng Pagbalik nina Aguinaldo sa Pilipinas Mula Hong Kong MAYO 18, 1898
Ang Sinakyang Amerikanong Barko ni Aguinaldo Pabalik sa Pilipinas USS McCULLOCH
Ang Amerikanong Pinuno ng Plota ng Mga Amerikano sa Silangan na Nag-utos kay Aguinaldo para Bumalik sa Pilipinas KOMODOR GEORGE DEWEY
Lugar ng Pagpuoulong Nina Dewey at Aguinaldo Kung Saan Nagpahayag ng Kasiguruhan si Dewey na ang Tanging Layunin Nila ay Tulungang Makalaya ang Pilipinas sa Mula sa Mga Espanyol USS OLYMPIA
Petsa na Itinatag ni Aguinaldo ang Isang Pamahalaang Diktatoryal para Muling Mapag-isa ang Mga Rebolusyonaryo MAYO 24, 1898
Petsa Nung Pinalitan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal ng Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Payo ni Apolinario Mabini HUNYO 23, 1898
Ang Tubong Batangas na Tagapayo ni Aguinaldo na Tinaguriang "Utak ng Himagsikan" APOLINARIO MABINI
Kilala Siya sa Taguring "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko" APOLINARIO MABINI
Ang Itinadhana ng Pamahalaang Rebolusyonaryo Ang pagtatayo ng iba't-ibang sangay ng pamahalaan tulad ng pamahalaang lokal at Kongreso
Petsa Nang Pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos SETYEMBRE 15, 1898
Lugar Kung Saan Pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos SIMBAHAN NG BARASOAIN, MALOLOS, BULACAN
Ang Namuno sa Kongreso ng Malolos PEDRO PATERNO
Ang Kapangyarihan ng Kongreso ng Malolos Tagapayo lamang kay Aguinaldo at walang kapangyarihang gumawa ng batas
Petsa Kung Kailan Napagtibay ang Saligang Batas ng Malolos na Nagsasaad Susundin ang Mga Patakaran Para sa Pagkakaroon ng Republikanong Pamahalaan NOBYEMBRE 29, 1898
Mga Patakarang Sinunod ng Saligang Batas ng Malolos Para Magkaroon ng Republikanong Pamahalaan 1. Paghihiwalay ng estado at simbahan 2. Pagkilala sa karapatan ng bawat tao 3. Libreng edukasyon sa elementarya 4. Probisyon tungkol sa kapangyarihan ng ehekutibo, lehislatura, at hukuman 5. Pagkakaroon ng sistemang unicameral o isang kapulungan sa kongreso
Petsa Nang Pinagtibay ang Saligang Batas ng Malolos. At sa Araw na Iyon, Nagwakas ang Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Pagtatatag ng Pamahalaang Republikano. ENERO 21, 1899
Petsa Nang Pinasinayaan ang Pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas ENERO 23, 1899
Lugar Kung Saan Pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas SIMBAHAN NG BARASOAIN, MALOLOS, BULACAN
Mas Kilalang Pangalan ng Unang Republika ng Pilipinas REPUBLIKA NG MALOLOS
Ang Nagsilbing Pangulo ng Republika EMILIO AGUINALDO
Ang Namuno sa Gabinete ng Republika APOLINARIO MABINI
Ang Huling Araw ng Panunungkulan ni Aguinaldo Bilang Pangulo ng Republika MARSO 23, 1901
Ang Dahilan ng Pagwakas ng Panunungkulan ni Aguinaldo Bilang Pangulo Nadakip siya ng mga Amerikano sa Palanan, Isabela
Ang Araw ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas HUNYO 12, 1898
Ang Pamagat ng Pambansang Awit na Pinatugtog noong Hunyo 12, 1898 MARCHA NACIONAL FILIPINA
Ang May Katha sa Musika ng Pambansang Awit JULIAN FELIPE
Ang Guro ng Musika at Organista sa Simbahan ng Cavite na Ipinakilala ni Heneral Mariano Trias Kay Aguinaldo na Siyang Lumikha ng Himig ng Pambansang Awit JULIAN FELIPE
Ang Unang Pamagat ng Marcha Naçional Filipina MARCHA FILIPINA MAGDALO
Ang Bandang Tumugtog sa Pambansang Awit noong Hunyo 12, 1898 BANDA NG SAN FRANCISO DE MALABON o "BANDA MATANDA"
Ang Kawal at Makata na Gumawa ng Tulang Espanyol na Ginamit Bilang Titik o Lirika ng Pambansang Awit Noong 1899 JOSE PALMA
Ang Pamagat ng Tula na Ginawa ni Jose Palma FILIPINAS
Ang Mga Nagdisenyo sa Watawat ng Pilipinas sa Hong Kong 1. MARCELA AGONCILLO 2. LORENZA AGONCILLO 3. DELFINA HERBOSA DE NATIVIDAD
Ang Sumulat at Bumasa sa Deklarasyon ng Kalayaan sa Wikang Espanyol AMBROSIO RIANZARES-BAUTISTA
Bilang ng Lumagda sa Deklarasyon ng Kalayaan 98, kabilang si Aguinaldo at isang Amerikanong sundalong opisyal
Pangalan ng Amerikanong Lumagda sa Deklarasyon ng Kalayaan KORONEL L.M. JOHNSON

Semelhante

Gr6_AP_Aralin 2: Pagsibol ng Kamalayang Nasyonalismo
Rose Tabije
Gr6_AP_Aralin 3: Mga Pangyayari at Kilusang Nagpausbong sa Damdaming Nasyonalismo
Rose Tabije
Gr6_AP_Aralin 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 4: Ang Problema ni Moymoy Matsing
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 11: Ang Panahanan at Katayuan ng Mga Pilipino sa Lipunan sa Panahon ng Mga Espanyol.
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 8: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas ( Ang Kristiyanismo at Ang Reduccion)
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 10: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Patronato Real
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 14: Patakarang Pangkabuhayan (Ekonomiya) ng mga Espanyol
Rose Tabije
Gr5_AP_Aralin 16: Mga Lokal na Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan
Rose Tabije
PAGSASANAY #1
darrel espino